Liam Payne, nakapag-upload pa ng photos isang oras bago pumanaw

Liam Payne, nakapag-upload pa ng photos isang oras bago pumanaw

- Patuloy na iniimbestigahan ng Buenos Aires Police ang pagkamatay ni Liam Payne matapos mahulog mula sa ikatlong palapag ng CasaSur hotel sa Argentina

- Hindi pa matukoy ng mga awtoridad kung aksidente o sinadyang pagkahulog ang nangyari kay Liam noong Oktubre 16, 2024

- Ayon sa ulat, nakatanggap ng tawag ang 911 tungkol sa isang lalaking nagwawala sa lobby ng hotel isang oras bago ang insidente

- Kasama ni Liam sa Argentina ang kanyang girlfriend na si Kate Cassidy, ngunit nauna itong umalis sa Buenos Aires noong Oktubre 14

Bago ang insidente ng pagpanaw niya, nag-upload pa si Liam Payne ng mga larawan sa kanyang Snapchat Story kasama ang kanyang karelasyon na si Kate Cassidy. Ngunit, isang oras lamang ang lumipas, natagpuang wala nang buhay si Liam.

Liam Payne, nakapag-upload pa ng photos isang oras bago pumanaw
Liam Payne, nakapag-upload pa ng photos isang oras bago pumanaw
Source: Instagram

Maraming mga tagahanga ni Liam ang nagtipon sa harap ng CasaSur hotel matapos mabalitaan ang kanyang pagkamatay. Hindi sila makapaniwala sa biglaang pagkawala ng iniidolo nilang mang-aawit na nasa edad 31.

Read also

4 anyos na bata, nasawi matapos mabagsakan ng metal railings sa Cebu City

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente habang naghihintay ang lahat ng kasagutan sa malagim na pangyayari.

Nag-post si Liam Payne ng ilang video sa kanyang Snapchat Story ilang oras bago ang nakakagulat niyang pagkamatay.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa isa sa mga video na nabura na, sinabi ng dating “One Direction” member sa kanyang mga tagahanga na nagkakaroon siya ng isang “lovely day” habang kasama ang nobyang si Kate Cassidy sa Argentina.

Magkasama ang magkasintahan sa isang mesa sa dining room, at nakahain ang iba’t ibang pagkain.

“Quality time,” ang inilagay niyang caption sa isa pang larawan sa Snapchat kasama si Kate Cassidy.

Idinagdag din ng mang-aawit na siya ay masaya na magkaroon ng ““some time away” sa isa pang post na nagpapakita ng isang courtyard sa labas.

Sa isa pang clip, sinabi ng mang-aawit na sila ni Cassidy ay talagang nag-eenjoy sa kanilang bakasyon. Nag-post din siya ng video nila ng influencer na gumagawa ng mga nakakatuwang mukha, na may caption na “Quality time 🥰.”

Read also

Claudine Barretto, nagpasalamat kay Boy2 Quizon: "Blood isn't thicker than water"

Hindi tiyak kung kuha mismo noong Miyerkules ang mga video o kung noong araw lamang iyon nai-post. Gayunpaman, lumalabas na umalis na si Cassidy sa Argentina nitong weekend, kaya malamang na hindi real-time ang mga post ni Payne.

Base sa mga post ay aktibo pa rin ang mga ito sa kanyang Story bandang 5:30 ng hapon.

Pagkatapos lumabas ang balita ng kanyang pagpanaw, agad na inalis ang mga video mula sa kanyang pangunahing Snap Story at inarchive sa “Spotlight” tab ng account ni Payne.

Nabuo ang One Direction noong 2010 nang sumali ang mga kabataang sina Payne, Niall Horan, Harry Styles, Louis Tomlinson, at Zayn Malik sa palabas na "The X Factor" sa UK. Noong 2016, inanunsyo ng grupo ang kanilang indefinite hiatus, ngunit hindi tuluyang paghiwalay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate