PK sa anak na si CJ: "I hope you make the right decisions in life"
- Inamin ni Pambansang Kolokoy na nasaktan siya sa sinabi ng anak niyang si CJ sa binahaging video ng kanyang ex
- Gayunpaman, aniya ay alam niyang hindi totoong si CJ ang batang nagsasalita sa video
- Aniya, hindi siya galit sa anak at mahal daw niya ang mga anak nila ng dating asawa
- Sa huli, humiling si Pambansang Kolokoy na piliin ni CJ na maging mabuting tao at gawin ang tamang mga desisyon sa buhay
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Matapos ang mga kontrobersiyal na pahayag mula sa kanyang anak na si CJ, nagbigay ng pahayag si Pambansang Kolokoy. Sa kanyang panibagong video, inamin niyang nasaktan siya.
Sa kanyang pahayag, ipinahayag ni Pambansang Kolokoy na bagamat nasasaktan siya sa mga sinabi ng kanyang anak, hindi niya ito itinuturing na rason upang itakwil si CJ bilang anak. Inihayag niya ang kanyang pagmamahal sa kanyang anak, sa kabila ng mga hamon na kanilang kinakaharap.
Aminado si Pambansang Kolokoy na naapektuhan siya sa mga sinabi ni CJ. Gayunpaman, pinili niyang ipakita ang kanyang pag-unawa.
Sa huli, humiling si Pambansang Kolokoy na piliin ni CJ na maging mabuting tao at gumawa ng tamang mga desisyon sa buhay.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ang content creator na si Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy ay nakilala sa kanyang mga nakakaaliw na mga online videos. Isinilang siya sa La Union at lumaki sa Baguio City kasama ang kanyang lolo at lola. Taong 1994 nang lumipat siya sa US para makasama ang kanyang mga magulang na OFW.
Matatandaang naglabas si Pambansang Kolokoy ng isang panibagong video na kanyang pinamagatang 'Buwelta.' Dito ay sinabi niyang gusto niyang sagutin ang aniya'y kumakalat na balita sa ngayon. Kabilang sa kanyang mga sinagot sa naturang vlog ay ang paggastos daw niya ng pera ng anak niya. Idinaan ni PK ang kanyang kasagutan sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa kasamahan niya sa Batang Quiapo na si Hap Rice.
Samantala, nakasama ni Pambansang Kolokoy ang kanyang mama sa kanyang vlog. Sa intro ng kanyang video ay sinabi ng mag-ina dahil may mga gusto daw siyang linawin sa mga lumabas na bali-balita. Gayunpaman, hindi din naman natuloy ang kanyang pagsasalita dahil tinawag siya at hindi na bumalik sa video.
Source: KAMI.com.gh