David, naniniwalang naiintindihan ni Jak ang 'FiLay': "Kasi artista rin siya"

David, naniniwalang naiintindihan ni Jak ang 'FiLay': "Kasi artista rin siya"

- Naniniwala umano si David Licauco na naiintindihan ni Jak Roberto ang love team nila ng girlfriend nitong si Barbie Forteza

- Matatandaang pumatok sa publiko ang tambalang "FiLay" nina Fidel at Klay na ginampanan nina Barbie at David

- Ayon kay David, mabuting tao umano si Jak at alam nitong secured ito sa kanyang sarili

- Wala rin naman itong dapat na ipag-alala gayung walang anumang issue ang naturang love team na mula sa teleseryeng 'Maria Clara at Ibarra'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, nasabi ni David Licauco ang kanyang paniniwala na naiintindihan ni Jak Roberto ang tambalang "FiLay."

David Licauco sa BF ni Barbie Forteza: "Naiintindihan naman yun ni Jak"
Jak Roberto at girlfriend na si Barbie Forteza (@jakroberto)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ang 'FiLay" ay ang naging love team nina Barbie Forteza bilang si "Klay" at si David bilang si "Fidel" sa seryeng Maria Clara at Ibarra.

Read also

Christian Bables sa pagbungisngis sa TV Patrol: "Hirap pigilan ng tawa"

At dahil mayroong real-life boyfriend si Barbie at ito nga ay si Jak, hindi maiiwasang mapaisip ang publiko kung ano nga ba ang pakiramdam ng mga ito maging ni David na on-screen partner ni Barbie.

"Naiintindihan naman yun ni Jak 'yung situation kasi artista rin siya. Siguro kapag hindi siya artista, I'm pretty sure magseselos siya sa ganu'n kasi hindi niya alam 'yung kumbaga situation sa industry," paliwanag ni David.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"But then I believe na mabait na tao si Jak. Masipag siya. And I feel like he's secure naman with himself. I don't think that's an issue. I mean at least for me," dagdag pa nito.

At nang matanong siya ni Ogie kung sa palagay niya'y nagseselos si Jak sa 'FiLay,' "Hindi ko sure, sana wala," ang naisagot ni David.

Read also

David Licauco sa paghinto niya umano sa basketball: "My best friend died"

Si David Licauco ay isang model, aktor at businessman sa Pilipinas. Mas lalong nakilala ang pangalan ni David sa mukha ng showbiz nang gampanan niya ang karakter ni Fidel sa GMA serye na Maria Clara at Ibarra.

Dumami ang kanyang mga tagahanga at isa na rito ang kapatid ni Zeinab Harake na si Rana. Kaya naman sa kaarawan nito, naisipan ni Zeinab na i-surpresa si Rana ng isang date kasama ang idolo nitong si David.

Dahil dito, aminado si Rana na isa umano ito sa mga memorable na birthday niya na hindi niya inaasahang si David Licauco ang ang supresa sa kanya ng kapatid.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel