Internal security personnel sa Puregold, naiyak nang humingi ng dispensa
- Binahagi ng 60 anyos na si Marco Neri ang video ng muli nilang paghaharap ng internal security personnel na umano'y nagpahiya sa kanya
- Sa naturang video ay hindi nito napigilang maiyak habang humihingi ng dispensa
- Aniya, natakot siya hindi lang para sa kanyang sarili kundi maging para sa kaligtasan ng kanyang pamilya
- Tinanggap naman ni Neri ang paghingi nito ng dispensa at sinabing lakasan nito ang kanyang loob sa gitna ng pinagdadaanan
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Minabuti ni Marco Neri, ang 60 anyos na lalaking napagbintangang nagnakaw sa Puregold kamakailan na ibahagi ang video ng paghaharap nila ng Internal security personnel sa Puregold.
Hindi nito napigilang maiyak habang humihingi ng dispensa kay Neri. Aniya, nabahala siya para sa kaligtasan ng kanyang mga anak at hindi niya na alam kung paanong harapin ang mga tao matapos siyang mabatikos dahil sa nag-viral na video.
Naging trauma umano ang nangyari sa kanya at natatakot lumabas sa kanilang bahay. Sobra daw siyang nahirapan sa kanyang kalagayan. Hiling niya na mabigyan siya ng pagkakataon na makabawi sa kanyang nagawang pagkakamali.
Nakiusap siya sa publiko na kung maari ay itigil na ang pangbabatikos sa kanya.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Sagot naman ni Neri, kung ang Diyos nga ay nagpapatawad, siya pa kaya. Nagbigay din siya ng payo sa security personel. Aniya, ang Diyos ang magsilbing lakas niya sa gitna ng pinagdadanan nito. Pinayuhan din niya ito na lakasan ang kanyang loob.
Ang pangyayaring ito ay umani ng matinding reaksiyon matapos mag-viral ang post ni Neri kung saan pinalabas ng security personnel ang laman ng kanyang bag dahil pinagdudahan itong may ninakaw. Inalmahan ni Neri ang pamamahiya umano sa kanya lalo at maraming tao ang nakikiusyuso at nakatingin mula sa labas ng establisyemento.
Matatandaang umani din ng simpatya ang pag-viral ng kwento tungkol sa pinakulong na 80 anyos na matanda dahil sa umano'y pagkuha nito ng mangga. Ang korte ay may ipinataw na piyansa sa halagang P6,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Ibinahagi ng Asingan Police Station ang video ng pansamantalang paglaya ni Lolo Narding Floro, ang 80-anyos na inaresto sa umano'y pangunguha ng manggang siya naman daw ang nagtanim. Dumagsa ang mga nais na magbigay ng piyansa sa matanda subalit mayroon nang nakapagpiyansa para sa kanya. Kaya naman ang mga nalikom na tulong na dumagsa para kay Lolo Narding ay magagamit niya sa pang-araw araw lalo na at namumuhay na raw pala itong mag-isa.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh