Maegan Aguilar, sinamahan ng RTIA na sumailalim sa hair follicle drug test

Maegan Aguilar, sinamahan ng RTIA na sumailalim sa hair follicle drug test

- Sumailalim na sa hair follicle drug test si Maegan Aguilar sa tulong ng Raffy Tulfo in Action

- Matatandaang lakas-loob na umano itong lumapit sa programa ng senador gayung natutulog na lamang sila ng kanyang partner sa labas ng convenience store

- Napatingnan na rin ang kondisyon ni Maegan na mayroong hypothyroidism

- Bukod dito, nahanapan na rin sila ng pagsamantalang matitirahan sa tulong pa rin ni Senator Tulfo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinahagi na ng programang Wanted sa Radyo Raffy Tulfo in Action ang mga naibigay na nilang tulong sa anak ng OPM icon Freddie Aguilar na si Maegan Aguilar.

Maegan Aguilar, sinamahan ng RTIA na sumailalim sa hair follicle drug test
Maegan Aguilar (Raffy Tulfo in Action)
Source: Youtube

Nalaman ng KAMI na mula nang dumulog si Maegan sa programa ni Senator Tulfo, nagbigay na ito ng paunang tulong gayung nagtungo raw ito nang walang-wala at wala rin umanong matirahan.

Read also

Gab ng Parokya ni Edgar, nakalabas na sa ICU: "Hindi pa siya makakalabas ng hospital anytime"

Mula sa Php20,000 na agad na naiabot ni Senator Raffy kay Maegan, binayaran din nito ang nasa walong araw na pananatili nito at ng kanyang partner sa isang hotel.

At ang hiling ni Senator Raffy na hair follicle test kay Maegan ay naisagawa na rin. Ito ang magiging basehan ng p[agbibigay muli ng tulong ng senador sa anak ni Freddie Aguilar.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang napabalitang gumagamit umano ito noon ng ipinagbabawal na gamot at nais lamang ni Senator Tulfo na masigurong hindi na ito binabalikan pa ni Maegan tulad ng kanyang sinasabi.

"Eto po, idol kuya sen Raffy Tulfo. 'Eto na po ang aking hair samples for the drug test. I pray na talagang this proves everything and this clears my name. Thank you again for this. 'Yung ginawa niyo po sa akin, malaking bagay po ito." ani Maegan.

Read also

Kylie Padilla: “If I wasn’t an actress I’d be a sniper”

Matapos ito, sinamahan na rin ng staff ng RTIA ssa doktor si Maegan upang malaman ang kalagayan niya sa pagkakaroon ng hypothyroidism. Ayon sa doktor, makakaya naman ito sa gamutan.

At gaya ng naipangako ni Tulfo, pati ang pansamantalang matitirahan ni Maegan at partner nitong si Oliver ay sinagot na rin ng RTIA habang naghihintay ng resulta ng hair follicle test ni Maegan.

Isang buwan na umano ang nakararaan nang dumulog si Maegan Aguilar sa programa ni Raffy Tulfo.

Sinubukan din ng programa na makapanayam ang kilalang folk singer at isa sa haligi ng OPM sa bansa na si Freddie Aguilar upang malaman ang magiging pahayag nito tungkol sa kanyang anak subalit hindi na nila ito nakausap habang nasa ere ang programa.

Gayunpaman, sa panayam ni Aster Amoyo kay Freddie, nabanggit nitong bagama't nagkakausap na sila ni Maegan, hindi pa rin ito maaring magtungo sa kanyang tahanan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel