Christopher de Leon, masaya sa pag-aayos nina Matet at Nora Aunor

Christopher de Leon, masaya sa pag-aayos nina Matet at Nora Aunor

- Masaya si Christopher de Leon para sa kanyang ex na si Nora Aunor na naparangalan ito bilang National Artist for Film

- Aniya, willing rin daw siyang muling makatrabaho ito depende sa proyektong kanilang gagawin

- Naibahagi din niya ang saloobin kaugnay sa isyu ng pagkakasamaan ng loob ng mag-ina

- Aniya, alam niya ang tungkol sa nangyari ngunit hindi siya nakialam dahil aniya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Christopher de Leon ang kanyang saloobin kaugnay sa isyu sa pagitan nina Matet de Leon at Nora Aunor kamakailan. Sa video na binahagi ng StarsPhotog Vidz YouTube channel, sinabi niyang alam niya ang tungkol sa nangyari ngunit hindi na siya nakialam.

Nora Aunor
Nora Aunor attends "Thy Womb" Premiere during The 69th Venice Film Festival at the Palazzo del Cinema on September 6, 2012 in Venice, Italy. (Photo by Dominique Charriau/WireImage)
Source: Getty Images
“I have friends na ikinukuwento sa akin. Actually, we never enjoy talking about other people. There are good or better news. Mas prone ako doon. It lightens up my day than talk about this negative stuff,”

Read also

Kim Domingo, nagpadala ng Food Truck para kay Cha Eun Woo

Sa kanyang opinyon, emosyonal lamang ang magkabilang kampo noong panahong iyon kaya nauwi sa pagkakasamaan ng loob.

“They’re just emotional about the whole thing. There’s a lot behind it. There’s a lot behind what people are saying. I know the tension already.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

I know the background pero hindi naman ako makapagsalita because I’m not interested in dramas like that. Sabi ko nga, I try to stay away from that."

Si Nora Aunor o Nora Cabaltera Villamayor ay sumikat sa mundo ng showbiz hindi lamang sa husay niya sa pag-arte kundi maging sa kanyang pag-awit. Naging film producer na rin siya kinalaunan. Nakilala siya sa bansag na "Superstar" at isinusulong ng marami na maging National Artist.

Samantala, nauna nang binuweltahan ni Lotlot de Leon ang isang netizen na nagkomento sa kanyang Instagram post kaugnay sa lumabas na balita at litrato na nagsasabing hindi siya kasama sa mga kapatid niya na pumunta sa kanilang inang si Nora Aunor. Ayon sa netizen na nagkomento, masyado na umanong tinitiis ni Lotlot ang ina gayong ito ang umampon sa kanya.

Read also

Michelle Madrigal, kwinento ang pagganti niya sa cheater na boyfriend niya noon

Kamakailan ay inihayag ni Nora ang kanyang kasiyahan na nakasama niya ang kanyang mga anak at mga apo. Ito ay sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan kamakailan kasama ang mga taong malalapit sa kanya. Kabilang sina Matet at Ian De Leon sa mga nakasama niya sa kanilang simpleng selebrasyon. Aniya, halos limang araw silang nagkasama sa Bicol at lubos niyang pinagpasalamat na nakasama niya ang kanyang mahal sa buhay sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel