Kim Domingo, nagpadala ng Food Truck para kay Cha Eun Woo

Kim Domingo, nagpadala ng Food Truck para kay Cha Eun Woo

- Nagpadala si Kim Domingo ng isang Food Truck para sa kanyang idolong si Cha Eun Woo habang nasa set ito

- Sa naturang picture ay makikita ang pangalan ni Kim kalakip ng mensahe para kay Cha Eun Woo

- Bilang pasasalamat ay nagpadala naman ng picture niya ang Korean actor kalakip ng kanyang mensahe

- Wala pang pahayag si Kim kaugnay dito ngunit marami ang namangha sa kanyang ginawa bilang isang fan girl

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinasalamatan si Kim Domingo ng Korean actor na si Cha Eun Woo sa pinadala nitong food truck. Wala pang pahayag si Kim kaugnay dito ngunit marami ang namangha sa kanyang ginawa bilang isang fan girl.

Kim Domingo, nagpadala ng Food Truck para kay Cha Eun Woo
Kim Domingo, nagpadala ng Food Truck para kay Cha Eun Woo (@kimdomingo_)
Source: Instagram

Sa naturang picture ay makikita ang pangalan ni Kim kalakip ng mensahe para kay Cha Eun Woo.

“Thank you for always inspiring us. Cheering on you, Teacher SeoWon! From the Philippines, Kim Domingo,”

Read also

Andrew Schimmer, labis na nami-miss ang fiancee na si Jho Rovero; "Miss you more than life"

Bilang pasasalamat ay nagpadala naman ng picture niya ang Korean actor kalakip ng kanyang mensahe.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

“I ate delicious coffee, tea, so-tteok so-tteok, and croffle so well,”
“Thank u so much. Seowon teacher chaiting!!!,

Si Kim Domingo ay unang sumikat matapos mag-viral ang kanyang dubsmash ng awiting "Twerk It Like Miley" noong 2014. Naging bahagi siya ng GMA noong 2015 at napasama sa seryeng Juan Happy Love Story at maging sa Bubble Gang. Naging cover girl siya ng FHM Philippines noong December 2015 at January 2017.

Inalala ni Kim Domingo ang yumaong kaibigan sa mismong kaarawan ng aktres. Dinalaw ng aktres ang puntod ng kaibigan at nagdala ng bulaklak, pagkain at kandila. Ito umano ang unang kaarawan niyang wala na ang kanyang bestfriend na yumao noong 2020. Matatandaang ibinahagi ni Kim ang kwento ng pagkakaibigan nila sa loob ng 10 taon.

Read also

Kyle Echarri, may sweet birthday message sa 12-anyos na kapatid na may brain tumor

Inalmahan naman ni Kim ang mga taong aniya ay gumagawa ng isyu kaugnay sa pila para sa ticket. Paliwanag niya, matagal na siyang nakapila nang bumalik siya pansamantala sa kanyang sasakyan dahil sumama ang kanyang pakiramdam. Bumalik din siya sa pila at nang tawagin ang kanyang numero ay nagbayad siya. May mga nagsabi raw na kaya nakakuha si Kim ng ticket ay dahil artista siya gayong aniya ay pumila siya kagaya ng mga kasabayan niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel