Donnalyn Bartolome, pinanindigang hindi nila pinabayaan ang kanyang Mama Josie

Donnalyn Bartolome, pinanindigang hindi nila pinabayaan ang kanyang Mama Josie

- Ani Donnalyn Bartolome, kulang ang alam ni Jose Hallorina tungkol sa kanyang Mama Josie

- Ibinahagi niya ang picture ng kanyang lola na nakasuot ng alahas at may hawak na iPad bilang patunay na hindi ito pinapabayaan ng pamilya niya

- Bukod dito ay may allowance pa umano ang lola niya kada buwan at may pambayad sa caregiver niya

- Aniya, sinabi nila ang kanilang panig sa pribadong paraan kay Jose noon kaya pumirma umano ito ng agreement na hindi na nito uulitin ang ginawa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinahagi ni Donnalyn ang picture na kanyang Mama Josie na nakasuot ng alahas at may hawak na iPad. Aniya, nakita niya na ang picture na ito ng kanyang Mama Josie noon pero minabuti niyang huwag nang ilabas ngunit dahil umano sa pambabaliktad ni Jose Hallorina ay kailangan niyang ipagtanggol ang kanyang sarili.

Read also

Donnalyn Bartolome, naglabas ng recording ng pag-uusap nila ng kanyang Mama Josie

Donnalyn Bartolome, hindi napigilang maging emosyonal sa nilabas na video
Donnalyn Bartolome, pinanindigang hindi nila pinabayaan ang kanyang Mama Josie (@donna)
Source: Instagram

Bukod dito ay may allowance pa umano ang lola niya kada buwan at may pambayad sa caregiver niya. May ebidensiya din umano siya kung saan inamin ng kanyang lola na nagbibigay ang kanyang ina bukod sa pinapadalang allowance ni Donnalyn.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Donnalyn Bartolome ay isinilang noong July 9, 1994 sa Japan. Sumikat siya bilang isang singer, performer, YouTuber, producer, product endorser at social media influencer. Nakilala din siya sa kanyang mga awiting Happy Breakup, Di Lahat, Kakaibabe at Paskong Wala Ka.

Kamakailan ay muling nag-viral ang isang post ni Donnalyn kung saan binahagi niya sa Facebook ang picture ni Skusta Clee. Si Skusta Clee ang ex-boyfriend ng malapit niyang kaibigang si Zeinab Harake. Naging viral ito matapos mapansin ng mga netizens ang kanyang caption na loyal na umano ito. Matapos bumaha ng bagong komento ang kanyang lumang post, burado na ang unang caption na nakalagay.

Read also

Jose Hallorina, muling inalala ang unang pagtatagpo nila ni Nanay Josie

Sa naunang ulat ng KAMI, isang virtual tour ang binahagi ni Donnalyn Bartolome sa kanyang bagong YouTube video. Ito ay sa isang beach house na yari sa kahoy at kawayan at tinawag niya itong kubo mansion. Matapos niyang ibahagi ang iba't-ibang bahagi ng naturang property, ibinunyag niya na hindi sa kanya iyon. Aniya, nagbabakasyon lamang sila ng kanyang staff at nangangarap din daw siya na magkaroon ng ganoong property balang araw.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel