Ivana Alawi, kinaaliwan sa kanyang palengke challenge kasama ang pamilya

Ivana Alawi, kinaaliwan sa kanyang palengke challenge kasama ang pamilya

- Muling sinama ni Ivana Alawi ang kanyang dalawang kapatid na sina Mona at Hashim Alawi at ang kanilang ina sa kanyang bagong Youtube video

- Ginawa nila ang "Palengke at cooking challenge" kung saan magkasangga na sina Ivana at ang kanyang mama

- Sa huli ay nanalo sina Ivana matapos tikman ng kanilang kasama sa bahay ang kani-kanilang luto

- Marami naman ang naaliw sa video na ito ni Ivana na kahit simple lang ay nakakitaan ng kanilang pagiging mapagmahal sa isa't-isa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Muling kumasa sa isang challenge sina Ivana Alawi at ang kanyang pamilya. Ginawa nila ang "Palengke at cooking challenge" kung saan magkasangga na sina Ivana at ang kanyang mama.

Ivana Alawi, kinaaliwan sa kanyang palengke challenge kasama ang pamilya
Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: Instagram

Ginawa nila ang challenge sa pamamagitan ng pamamalengke gamit lamang ang 500 na budget sa bawat team. Sangkap para sa sinigang na isda ang pinamili ni Hashim at para naman sa afritadang manok ang pinamili ni Ivana.

Read also

Vlogger, nag-iiwan ng pera sa iba't ibang lugar para hanapin ng maswerte niyang follower

Sa huli ay nanalo sina Ivana matapos tikman ng kanilang kasama sa bahay ang kani-kanilang luto.

Marami naman ang naaliw sa video na ito ni Ivana na kahit simple lang ay nakakitaan ng kanilang pagiging mapagmahal sa isa't-isa:

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

I love Ivana Alawi videos it’s just so uplifting and puts a smile on people faces and just erase all the issues we have in this world Thank you Ivana Alawi and family for always making people smile
You deserved all the good things, blessings, happiness right now. Godbless Alawi family. Keep inspiring other people and be a blessing to everyone, Ivana!
Sobrang nakaka good vibes talaga Alawi family nakakatanggal stress. Saka laught trip si Hash nakaka aliw reaction nya through out this vlog, napa epic ng sinigang ng nag iisang Hash Alawi . Congratulations team Ivana and Mommy Alawi sa panalong chicken afritada nyo. As always Alawi family always puts a smile on our faces.

Read also

68-anyos na lolo, limang araw nagbiyahe gamit ang pedicab mula Luneta hanggang Ilocos Norte

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit labingtatlong milyon ang kanyang YouTube subscribers.

Kamakailan ay marami ang naantig sa vlog ni Ivana na kung saan nagpanggap siyang pulubi at nanghingi ng tulong sa mga taong kanyang nakita sa daan. Naiyak si Ivana dahil sa kabutihang pinakita sa kanya ng isang kutsinta vendor.

Dahil dito ay hinanap ni Ivana ang vendor para mas makilala pa at matulungan ito. Kamakailan nga ay nagkita silang muli.

Kamakailan ay patok din ang vlog ni Ivana kung saan ay napagtripan niyang i-prank ang kanyang kapatid na si Hashim.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel