Manager ni Madam Inutz, hindi na ilalaban sa PBB Biga10 grand finals ang alaga

Manager ni Madam Inutz, hindi na ilalaban sa PBB Biga10 grand finals ang alaga

- Sa isang Facebook post gamit ang FB account ni Madam Inutz, isang anunsiyo ang nilabas ng manager niyang si Wilbert Tolentino

- Nilinaw nito na pinayagan niyang bumalik ang alaga kahit para na lamang umano mayroon itong appearance sa show

- Hindi na umano ilalaban ng talent manager ang kanyang alaga sa PBB Biga10 grand finals

- Hindi na nito binanggit pa ang dahilan niya pero naging malaman ang pahayag niya kaugnay sa kakayahan ng isang network na pabagsakin at tapusin ang career ng artist kung indi na umano nila mapakikinabangan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ikinaintriga ng mga netizens ang malamang pahayag ng manager ni Madam Inutz na si Wilbert Tolentino kaugnay sa desisyon niyang huwag nang ilalaban sa PBB Biga10 grand finals ang alaga. Hindi na nito binanggit pa ang dahilan niya pero naging malaman ang pahayag niya kaugnay sa kakayahan ng isang network na pabagsakin at tapusin ang career ng artist kung indi na umano nila mapakikinabangan.

Read also

Senator Drilon, may payo sa mga kapwa senador; "Unang una, mag-aral po kayo"

Manager ni Madam Inutz, hindi na ilalaban sa PBB Biga10 grand finals ang alaga
Wilbert Tolentino at Madam Inutz (@Daisy_licious Ukay)
Source: Instagram

Aniya, nagpapasalamat sila sa binigay na oportunidad ng network sa kanyang alaga. Gayunpaman, mayroon umano siyang sapat na dahilan kung bakit niya napagpasyahang huwag nang ilaban ang alaga.

May mga rason at sapat na dahilan ako kaya nag post ako ng Anunsyo na indi ko na cya ilalaban etong Grand Finals. ngunit indi ko na e disclose sa Social media etong lalim na dahilan dahil lahat tayo may iba't ibang pananaw sa buhay at sa pag comment. good or bad minsan malaking impact ang isang commento. Miss Universe 2015 once said "THINK BEFORE U CLICK"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Daisy Lopez o Madam Inutz ay isang online seller na sumikat nang todo sa social media dahil sa kakaibang paraan niya ng pagbebenta ng mga ukay-ukay niyang paninda.

Lalong dumami ang kanyang tagasubaybay matapos mag-viral ang kanyang mga video sa social media kabilang na ang pagbenta niya ng aniya'y damit na pamburol. Sa kabila ng mga libo-libong viewers ay walang bumibili sa kanyang mga paninda. Kinalaunan, ito naman ang naging daan para sa mas makilala siya at nagbukas ng magagandang opportunidad para sa kanya.

Matatandaang nauna na siyang pumirma ng kontrata sa isang talent agency. Gayunpaman, marami sa kanyang mga tagasuporta ang hindi nagustuhan ang kanyang desisyon at umalma. Kaya naman nakapagpasya siyang huwag nang ituloy ang pagpapa-manage sa nasabing agency at napili niya si Wilbert Tolentino bilang maging manager niya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel