Alodia Gosiengfiao, nagbakasyon sa Balesin kasama ang rumored boyfriend

Alodia Gosiengfiao, nagbakasyon sa Balesin kasama ang rumored boyfriend

- Sa kanyang binahaging video reel sa Instagram, pinasilip ni Alodia Gosiengfiao ang kanyang bakasyon kasama ang rumored boyfriend nito

- Mapapansin sa ilang bahagi ng kanyang video reel ang paglakad nila nang magkahawak-kamay

- Wala pa ding pormal na kumpirmasyon mula sa kanilang dalawa tungkol sa kanilang relasyon mula nang i-post ni Alodia ang picture nilang magkasama

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

- Matatandaang nitong nakaraang Mother's Day ay kasama si Alodia sa family dinner nina Christopher Quimbo

Sa binahaging video reel ni Alodia Gosiengfiao, pinakita niya ang masayang bakasyon nila ng rumored bf niyang si Christopher Quimbo sa Balesin. Mapapansin sa ilang bahagi ng video ang kanilang paglalakad nang magkahawak-kamay.

Alodia Gosiengfiao, nagbakasyon sa Amanpulo kasama ang rumored boyfriend
Alodia Gosiengfiao (@alodia)
Source: Instagram

Sa naturang tatlong minutong video, binahagi ni Alodia ang kanilang naging biyahe papuntang balesin lulan ng isang eroplano maging ang kanilang panunuod sa mga live performances.

Read also

Kylie Versoza, pinasalamatan si Jake Cuenca sa inspirasyon umano nito sa buhay niya

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang kamakailan lang ay lumikha din ng ingay ang pag-post ni Alodia. Ibinahagi ni Alodia ng pictures at videos kasama ang napapabalitang bago niyang boyfriend. Wala mang direktang pag-amin, makikita sa isang picture na naka-post sa social media account ni Alodia ang pagbuo nila ng hugis puso ni Christopher.

Wala pa ding pormal na kumpirmasyon mula sa kanilang dalawa tungkol sa kanilang relasyon mula nang i-post ni Alodia ang picture nilang magkasama. Gayunpaman, nitong nakaraang Mother's Day ay kasama si Alodia sa family dinner nina Christopher.

Si Alodia Gosiengfiao ay nakilala bilang isa sa pinakasikat na cosplayer sa bansa. Isa din siyang game streamer at vlogger. Naging usap-usapan ang pagpunta ni Alodia sa US noong nagkasakit si Wil Dasovich at nagpapagaling sa cancer.

Matagumpay din si Alodia sa larangan ng kanyang negosyo. Isa siya sa may-ari ng Tier 1 Entertainment, isang e-sports entertainment company.

Read also

Rica Peralejo, pinakita ang isang bagong house tour matapos niyang magparenovate

Kamakailan ay nagpadisenyo pa ng kanilang bahay sina Wil at Alodia sa sikat na vlogger at architect na si Oliver Austria.

Sabay nilang pinanood ang unang bahagi ng virtual tour sa dinesenyong bahay. Gayunpaman, mag-isa na lamang si Wil sa pag-react sa ikalawang bahagi ng video ng Mantsong.

Matatandaang si Alodia mismo ang nagkumpirma tungkol sa paghihiwalay nila ng boyfriend niyang si Wil. Gayunpaman, ayon kay Wil ay maayos silang nagkahiwalay. Sinabi niya ito sa isang podcast kung saan nakasama niya ang kapatid na babae ni Alodia.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel