Toni Fowler, nagpapasalamat kay Vince Flores sa pagiging maunawain nito

Toni Fowler, nagpapasalamat kay Vince Flores sa pagiging maunawain nito

- Sa kanyang pinakabagong video ay pinasalamatan ni Toni Fowler ang kanyang boyfriend na si Vince Flores

- Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang mga naging ex

- Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend

- Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tiniyak ni Toni Fowler na walang mangyayaring balikan sa pagitan nila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Nagpapasalamat umano siya sa kanyang bolyfriend dahil naiintindihan nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang ex.

Toni Fowler, nagpapasalamat kay Vince Flores sa pagiging maunawain nito
Toni Fowler (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Inamin din ni Toni na nakaramdam siya ng guilt kaya hindi niya kaagad sinagot si Vince. Matatandaang umabot din sa mahigit isang taon mula nang maghiwalay sila ni Rob bago niya sinagot si Vince.

Read also

Toni Fowler, humiling na sana ay huwag siyang husgahan sa kanyang pagpapatawad kay Rob Moya

Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Kamakailan, matapos niyang sagutin si Vince ay pumayag siyang kausapin si Rob at nakapagpatawaran na sila. Dito binalik ni Rob sa kanya ang promise ring na dati pang binili ni Rob noong pumunta siya sa Amerika.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ayon kay Rob Moya, nag-fail man daw siya bilang ama at bilang isang partner ngunit ayaw niya daw mag-fail bilang bestfriend ni Toni. Binitawan niya ang pangakong ito sabay ng pagbigay niya ng promise ring kay Toni.

Pinangako niyang lagi siyang naroroon para kay Toni at kay Tyronia. Palagi umano niyang susuportahan si Toni kahit anuman ang mangyari.

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Read also

Rica Peralejo, pinakita ang isang bagong house tour matapos niyang magparenovate

Kamakailan nga ay agad na nag-viral ang post ni Toni Fowler kung saan pinasalamatan niya si Tito Vince dahil palagi itong nasa tabi niya kahit hanggang magkaibigan lang umano sila.

Naging usap-usapan din ang pagtulong niya sa preparasyon para sa proposal ng kanyang dating karelasyon na si Rob Moya sa bago nitong girlfriend. Gayunpaman, nagkahiwalay din sila.

Source: KAMI.com.gh

Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel