Toni Fowler, humiling na sana ay huwag siyang husgahan sa kanyang pagpapatawad kay Rob Moya

Toni Fowler, humiling na sana ay huwag siyang husgahan sa kanyang pagpapatawad kay Rob Moya

- Matapos ilabas ni Rob Moya ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni Fowler, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin

- Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan

- Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito

- Binahagi niya rin kung gaano kahalaga sa kanya ang promise ring na binalik ni Rob kamakailan sa kanya nang mag-usap silang muli

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex-boyfriend na si Rob Moya. Naniniwala raw kasi siya na "everyone deserves a second chance."

Read also

Toni Fowler, nagpapasalamat kay Vince Flores sa pagiging maunawain nito

Toni Fowler, humiling na sana ay huwag siyang husgahan sa kanyang pagpapatawad kay Rob Moya
Toni Fowler (@tonifowlerpo)
Source: Facebook

Sa kanyang binahaging video ay binalikan ni Toni ang kanilang masasayang alaala kasama si Rob. Dumating din umano sa punto na si Rob ang bumuhay sa kanilang mag-ina.

At hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito.

Narito ang ilan sa mga komento ng kanyang mga supporters:

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

I hope that someday you both move on and heal from your past...and starts a new beginning
Kakaiyak naman. Solid fans since nag vlog po kayong dalawa Mommy Oni at Daddy Rob ganyan tlaga ang buhay . Congrats din Mommy Oni at Vicente.

Read also

Aiko Melendez, pinaghahandaan na ang paglilingkod bilang konsehal ng QC

Yung napanood ko kung paano kayo nagsimula at natapos...mga pinagdaanang hirap,saya,kilig,mga away haysss ang strong niyo po Mommy Oni.

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Kamakailan nga ay agad na nag-viral ang post ni Toni Fowler kung saan pinasalamatan niya si Tito Vince dahil palagi itong nasa tabi niya kahit hanggang magkaibigan lang umano sila.

Naging usap-usapan din ang pagtulong niya sa preparasyon para sa proposal ng kanyang dating karelasyon na si Rob Moya sa bago nitong girlfriend. Gayunpaman, nagkahiwalay din sila.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel