Rob Moya, nabigla umano sa collab nina Toni Fowler at Lai Austria

Rob Moya, nabigla umano sa collab nina Toni Fowler at Lai Austria

- Ayon kay Rob Moya ay nabigla siya sa collab nina Toni Fowler at Lai Austria kamakailan

- Aniya, sana ay inabisuhan man lamang siya o kinausap bago sila gumawa ng video nang magkasama

- Pabiro naman siyang binara ni Toni at sinabi nitong si Rob nga bigla silang iniwan ni Lai

- Samantala ani Rob, bukas naman siyang makausap si Lai kagaya ng nabanggit ni Toni para umano wala nang problema

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nabigla daw si Rob Moya sa collab nina Toni Fowler at Lai Austria kamakailan. Sana umano ay nasabi man lang sa kanya muna bago naganap ang collab ng dalawang babaeng naging bahagi ng kanyang buhay.

Rob Moya, humiling ng last dance sa kanyang ex na si Toni Fowler
Toni Fowler (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Matapos nga magkapatawaran nina Toni at Rob ay madalas na rin itong pumupunta sa Toro de Palasyo. Madalas niyang naipapakita sa kanyang vlogs ang kanyang pakikipagbiruan sa mga dating kasamahan sa ToRo family.

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang mga naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel