Mona Alawi, pinakita kung paano niya inaayos ang kanyang insulin pump site

Mona Alawi, pinakita kung paano niya inaayos ang kanyang insulin pump site

- Minabuti ni Mona Alawi na gamitin ang kanyang TikTok account upang maipaliwanag sa publiko ang tungkol sa kanyang kalagayan

- Karamihan sa kanyang TikTok videos, marami umano ang nagtatanong tuwing nakikita ang kanyang insulin pump site at ang kanyang insulin pump

- Sa isa pang video ay pinakita niya kung paano niya pinapalitan ang kanyang insulin pump site na siya mismo ang gumagawa

- Aniya, pinapalitan niya ito pagkatapos ng tatlong araw at siya mismo ang nagtutusok sa kanyang paa o di kaya ay sa braso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dahil palaging naitatanong sa kanya ang tila "walkie-talkie" na device na lagi niyang dala, minabuti ni Mona Alawi na ipaliwanag ang tungkol dito. Ito umano ang kanyang insulin pump at ang bilog na nakikita sa kanyang binti kadalasan ay ang insulin pump site.

Read also

Fashion Designer, pinapahanap ang Kakampink couple na nag-viral matapos ma-bash

Mona Alawi, pinakita kung paano niya inaayos ang kanyang insulin pump site
Photo from Mona Alawi (@_monaalawi)
Source: Instagram

Sa isa pang video ay pinakita niya kung paano niya pinapalitan ang kanyang insulin pump site na siya mismo ang gumagawa. Aniya, pinapalitan niya ito pagkatapos ng tatlong araw at siya mismo ang nagtutusok sa kanyang paa o di kaya ay sa braso.

Isa-isa niya ring sinasagot ang mga mensahe sa kanya ng kanyang mga followers.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Isa sa mga ito ay nagtanong kung habangbuhay na daw ba iyon o may posibilidad na maging normal ang kanyang blood sugar. Sagot ni Mona, sa kasalukuyan ay wala pang lunas ang kanyang sakit.

type 1 diabetes sadly has no cure yet, but who knows baka sa future magkaroon na ng cure

Si Mona Alawi ay ang nakababatang kapatid ng YouTuber na si Ivana Alawi. Si Mona ay na-diagnose na may Type 1 diabetes noong 2011. Kaya naman, naging maingat siya sa kanyang kinakain.

Read also

Kiray Celis, inalala ang kabutihan ni Fanny Serrano sa kanya

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit sampung milyon ang kanyang YouTube subscribers.

Kamakailan ay marami ang naantig sa vlog ni Ivana na kung saan nagpanggap siyang pulubi at nanghingi ng tulong sa mga taong kanyang nakita sa daan. Naiyak si Ivana dahil sa kabutihang pinakita sa kanya ng isang kutsinta vendor.

Dahil dito ay hinanap ni Ivana ang vendor para mas makilala pa at matulungan ito. Kamakailan nga ay nagkita silang muli.

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel