Bestfriend ni Toni Fowler na si Anthony Leodones, kinantiyawan si Rob Moya

Bestfriend ni Toni Fowler na si Anthony Leodones, kinantiyawan si Rob Moya

- Sa kanilang binahaging reaksiyon sa pagsagot ni Toni Fowler kay Vince Flores, hindi napigilang banggitin ni Anthony Leodones ang pangalan ni Rob Moya

- Matapos nilang mapanuod ang video na binahagi ni Vince Flores, pabirong kinantiyawan ni Anthony si Rob ng "shot puno!"

- Hindi naman napigilan ng kanyang girlfriend na matawa sa binitawang mga salita ni Anthony

- Matatandaang isa si Anthony sa naglabas ng kanyang sama ng loob kay Rob noong kasagsagan ng kaguluhan nina Rob at Toni kamakailan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Marami ang natawa sa pangangantiyaw ng bestfriend ni Toni Fowler na si Anthony Leodones kay Rob Moya. Matapos nilang mapanuod ang video na binahagi ni Vince Flores, pabirong kinantiyawan ni Anthony si Rob ng "shot puno!"

Bestfriend ni Toni Fowler na si Anthony Leodones, kinantiyawan si Rob Moya
Toni Fowler (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Marami din ang nagbanggit ng pangalan ni Rob at nag-tag pa sa aktor. Marami ang nakaabang sa magiging reaksiyon nito sa pagsagot ni Toni kay Vince na ilang buwan ding nanligaw sa kanya.

Matatandaang isa si Anthony sa naglabas ng kanyang sama ng loob kay Rob noong kasagsagan ng kaguluhan nila kamakailan. Nilabas niya rin ang kanyang sama ng loob kay Rob na aniya ay nangmaliit sa kanila ng kanyang girlfriend na si Jamie.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan lang ay aminado si Rob na kinabahan siya sa collab nina Toni G. at Toni Fowler matapos lumabas ang panayam ni Toni Gonzaga kay Zeinab Harake. Matatandaang nagkaayos na sana sina Rob at Toni ngunit muli silang nagkasamaan ng loob nang magwala kamakailan si Rob sa isang bar nang lumabas sila para ipagdiwang ang kaarawan niya.

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay nina ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Kamakailan nga ay agad na nag-viral ang post ni Toni Fowler kung saan pinasalamatan niya si Tito Vince dahil palagi itong nasa tabi niya kahit hanggang magkaibigan lang umano sila.

Naging usap-usapan din ang pagtulong niya sa preparasyon para sa proposal ng kanyang dating karelasyon na si Rob Moya sa bago nitong girlfriend. Gayunpaman, nagkahiwalay din sila.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel