Angeline Quinto, binahagi ang kauna-unahang out-of-the country trip kasama si Nonrev Daquina

Angeline Quinto, binahagi ang kauna-unahang out-of-the country trip kasama si Nonrev Daquina

- Binahagi ni Angeline Quinto ang video ng kauna-unahang out-of-the country trip nila ni Nonrev Daquina

- Habang nasa biyahe ay nagbahagi ang dalawa ng mga bagay-bagay tungkol sa kanilang unforgettable Christmas memories

- Hindi naman napigilan ng dalawa na ma-miss ang kanilang baby na si Sylvio na naiwan sa Pilipinas

- Makikita din sa video ang pagpapaunlak ni Angge sa mga Pinoy na nagpapicture sa kanya pagdating nila sa Dubai

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinakita ni Angeline Quinto ang kauna-unahang out-of-the country trip nila ng partner niyang si Nonrev Daquina. Sinama ni Angeline si Nonrev sa Dubai kung saan pumunta siya at iba pang Kapamilya stars para sa Barrio Fiesta Dubai 2022.

Angeline Quinto, sinorpresa ng kanyang partner noong Mother's Day
Angeline Quinto (@loveangelinequinto)
Source: Instagram

Habang nasa biyahe ay binahagi nilang dalawa ang kanilang mga di makakalimutang alaala tuwing pasko. Makikita din sa video ang pagpapaunlak ni Angge sa mga Pinoy na nagpapicture sa kanya pagdating nila sa Dubai.

Read also

Rendon Labador, pinuri ang pagbawi nina Deanna Wong na kumaway sa ilang fans

Narito ang komento ng ilang netizens kaugnay sa kung paano makitugo sa Angeline sa kanyang mga tagahanga:

Napakabait naman ni angge, cia pa bumabati sa mga tao, parang relax sa kanya mga nakakasalubong nia at mabait cia sa fans

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Yan ang gayahin nyo, si angge..napaka down to earth pa rin gang ngayon..di nagbago mula noon gang ngayon..humble pa din.
Sobrang bait nya nakapag selfie ako sa kanya kahit na me mga pumipigil na taga events.. antay lang kmi sa tabi sabi ko Angge pa selfie sabay pose po sya

Si Angeline Quinto ay kilalang mang-aawit na kinalaunan ay gumawa na rin ng pelikula at mga TV shows. Nakilala siya sa mundo ng entertainment at music scene nang sumali siya sa singing contest na Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar. Bukod sa husay niya sa pagkanta, pinasok din ni Angeline ang paggawa ng mge teleserye at pelikula.

Read also

Herlene Budol, nagpost ng throwback picture na kuha noong 2015 pageant na sinalihan nya

Kabilang sa kanyang mga pumatok na vlogs ay ang kanyang pakikipag-collab sa Beks Battalion. Nagkaroon din siya ng video kasama si Chad Kinis.

Isa din si Angge sa mga sikat na personalidad na pumasok na sa paggawa ng YouTube content nang magkaroon ng pandemya. Kinaaliwan ang kanyang pagiging natural na palabiro at komedyante na makikita sa kanyang mga vlog.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel