TikTok video ni Zeinab Harake tungkol sa "galing sa nakaw na jowa," agad na nag-viral

TikTok video ni Zeinab Harake tungkol sa "galing sa nakaw na jowa," agad na nag-viral

- Mahigit sa 8 milyon ang views ng TikTok video ni Zeinab Harake kung saan ni-lipsync niya ang tungkol sa pagiging proud sa jowa na parang di galing sa nakaw

- Dahil sa inilabas niyang video na ito, marami sa mga netizens ang naintriga sa tila pahaging na ito ni Zeinab

- Bumuhos ang komento ng mga netizens sa video na ito ni Zeinab na ibinahagi niya isang araw pa lang ang nakakalipas

- Matatandaang kamakailan ay hindi na nito napigilang maiyak at aminado siyang mahirap daw pala mag vlog kapag may pinagdadaanan sa buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tumabo sa mahigit walong milyon ang views ng TikTok video ni Zeinab Harake sa pahaging niya tungkol sa umano'y pagiging proud sa jowa na parang di galing sa nakaw. Ito ay sa gitna ng isyu tungkol sa bali-balitang hiwalay na sila ni Daryl Ruiz o mas kilala bilang si Skusta Clee.

Read also

Market vendor, inspirasyon ang hatid matapos manalong Mayor ng Dolores

TikTok video ni Zeinab Harake tungkol sa "galing sa nakaw na jowa," agad na nag-viral
Photo from Zeinab Harake (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Dahil sa inilabas niyang video na ito, marami sa mga netizens ang naintriga sa tila pahaging na ito ni Zeinab. Bumuhos ang komento ng mga netizens sa video na ito ni Zeinab na ibinahagi niya isang araw pa lang ang nakakalipas.

Marami sa mga ito ang naintriga sa tila pahaging na ito ni Zeinab.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang sa kanyang huling vlog, hindi na napigilan ni Zeinab Harake ang kanyang emosyon habang pinapasalamatan ang mga taong tumulong sa kanya. Aniya ay kakayanin niya iyon lahat dahil deserve ng anak niya ng malakas na mommy.

Hindi na nito napigilang maiyak at aminado siyang mahirap daw pala mag vlog kapag may pinagdadaanan sa buhay.

Si Zeinab Harake ay isang social media influencer at YouTube content creator. Naging kontrobersiyal ang relasyon nila ni Skusta Clee nang una silang maghiwalay kung saan ibinunyag ni Zeinab ang ilang bagay tungkol kay Skusta.

Read also

Chie Filomeno, umalma sa pagdawit sa kanya sa isang malisyosong video

Naging laman ng balita ang pagsasapubliko ni Zeinab na nagdadalang-tao siya sa anak nila ng kasintahang si Skusta Clee. Sa isang panayam kay Toni Gonzaga ay inilahad ni Zenab ang ilang detalye ng kanyang pagbubuntis.

Kamakailan, ibinahagi ni Zeinab ang behind the scenes ng bonggang photoshoot ng baby girl niyang si Bia. Nagmukhang munting prinsesa ang baby nila ng boyfriend na si Skusta Clee ng 'Ex-Batalion.'

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel