Yassi Pressman, nagpahayag ng kanyang suporta kay VP Leni Robredo

Yassi Pressman, nagpahayag ng kanyang suporta kay VP Leni Robredo

- Isinapubliko ni Yassi Pressman sa unang pagkakataon ang kanyang suporta para kay Vice President Leni Robredo

- Sa kanyang Instagram post, ibinahagi niya na isang karangalan umano para sa kanya ang mag-perform sa opening ng rally sa Naga ngayong araw

- Isa lamang si Yassi sa mga artistang naghayag ng kanilang suporta sa kanilang napili sa pagkapangulo habang papalapit ang araw ng halalan

- Marami naman sa mga tagasuporta ni VP Leni ang nagpasalamat kay Yassi sa suporta nito

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa unang pagkakataon ay isinapubliko ni Yassi Pressman ang kanyang pagsuporta kay VP Leni Robredo. Sa kanyang Instagram post, ibinahagi niya na isang karangalan umano para sa kanya ang mag-perform sa opening ng rally sa Naga ngayong araw.

Yassi Pressman, nagpahayag ng kanyang suporta kay VP Leni Robredo
Leni Gerona Robredo
Source: Facebook

Marami naman sa mga Twitter users na tagasuporta ni VP Leni ang bumilib kay Yassi. Marami sa mga ito ang nakapansin sa pinamalas na galing ni Yassi sa kanyang opening number sa rally sa Naga na ginanap ngayong araw:

Read also

Kandidato, pasok sa konseho matapos na lumamang lang ng isa sa kalaban

Galing yassi pressman, Gandang Kapitana yan hahahh! Ultimate performer rin pala 'tong si Yassi Pressman! Galing kumanta, at ang husay sumayaw!
Salamat Yass @yassipressman . Mahal totoo ka talagang Kapitana Alyana sa oras ng kailangan maasahan

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Salamat ate Yass Pag bisita ng aming Probinsya at sa pagsuporta Kay Leni Robredo c leni ang AKING Presidente salamat ate @yassipressman sa Pagtindig sobra kitang love

Si Maria Leonor "Leni" Gerona Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay ang misis ng namayapa na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na babae na sina Aika, Tricia, at Jillian.

Sa nalalapit na na halalan ngayong Mayo 9, 2022, mainit na binabantayan ang mga rally para sa pangangampanya ng mga tumatakbong politiko. Kabilang sa mainit na magkatunggali sa pagka-pangulo ay sina Vice President Leni Robredo at dating senador na si Bongbong Marcos. Sila ang dalawang nangunguna pagdating sa dami ng mga tagasuporta.

Kamakailan ay naganap ang isang people's rally sa Pasig na dinaluhan ng mga "Kakampink." Ilan sa mga personalidad na dumalo sa tinaguriang "Pasiglaban" ay sina Donny Pangilinan, Ebe Dancel, Itchyworms, Rivermaya, Ben and Ben, Robi Domingo, Melai Cantiveros, Janine Gutierrez, Julia Barretto, Angel Locsin at marami pang iba.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate