Lolit Solis, inusig si Ai-Ai delas Alas kaugnay sa spoof video nito kay Mayor Joy Belmonte

Lolit Solis, inusig si Ai-Ai delas Alas kaugnay sa spoof video nito kay Mayor Joy Belmonte

- Nakapanayam nina Lolit Solis at Mr. Fu si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa kanilang online show na 'Take It! Take It! Me Gano’n?'

- Dito ay napag-usapan nila ang tungkol sa spoof video ni Ai-Ai delas Alas na nag-i-endorso sa katunggali ni Mayor Belmonte sa pagka-Mayor sa QC

- Hindi na umano pinanood ni Mayor Joy ang naturang video dahil sa pagkakaalam umano niya ay marami sa kanyang kakilala ang hindi natuwa sa video kaya hindi na raw siya magpapaapekto

- Para naman kay Manay Lolit, dapat ay maging mabait na ang aniya'y kagaya ni Ai-Ai na inilarawan niya bilang "laos"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa panayam nina Lolit Solis at Mr. Fu kay Quezon City Mayor Joy Belmonte sa kanilang online show na Take It! Take It! Me Gano’n?, inamin ni Mayor Joy na hindi pa niya napapanood ang spoof video ni Ai-Ai delas Alas. Para naman kay Manay Lolit, dapat ay maging mabait na ang aniya'y kagaya ni Ai-Ai na inilarawan niya bilang "laos."

Read also

Kiray Celis, inalala ang kabutihan ni Fanny Serrano sa kanya

Lolit Solis, inusig si Ai-Ai delas Alas kaugnay sa spoof video nito kay Mayor Joy Belmonte
Lolit Solis (akosilolitsolis)
Source: Instagram

Ani Mayor Joy, hindi na siya magpapaapekto sa naturang video kaya wala itong balak na panuorin ang video.

“Nothing. I didn’t watch it na lang because sabi ko, kung ito ’yun, maba-badtrip lang ako kasi ang daming na-badtrip na mga kaibigan ko, pati taong hindi ko kilala, medyo na-offend. So, ako naman, why will I put myself through that, ’di ba, when I have so much work to do. Hindi ko na siya papanoorin,”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Para kay Manay Lolit, sana ay hindi iyon ginawa ni Ai-Ai at inalam sana niya kung hanggang saan lang ang kanyang limitasyon.

“At saka para sa isang laos na artista na tulad niya dapat medyo mabait ka na kasi laos ka na, nasa baba ka na, e. Hindi na siya sikat ’no, hindi na siya kailangang magsalita. Magkano ba, Ai Ai? Masyado bang malaki para gawin mo ’yan?”

Read also

Megastar kay BBM; "I wish you, Liza, and your beautiful boys, God's blessings"

Si Lolit Solis ay isang kilalang entertainment writer at talent manager. Naging bahagi siya ng ilang talkshow sa Kapuso Network. Bukod sa kanyang pagsusulat sa isang print and digital newspaper, kadalasan ay naibabahagi niya ang kanyang opinyon sa Instagram. Kaya naman ikinabahala niya nang minsan ay hindi niya mabasa ang mga komento ng netizens sa kanyang posts.

Kamakailan ay nagbahagi ng kanyang reaction si Lolit kaugnay sa panganganak ng Kapuso star na si Jennylyn Mercado sa anak nila ni Dennis Trillo.

Nauna na rin niyang inalmahan sa isang Instagram post ang spoof video ni Ai-Ai na agad na nag-viral.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel