Megastar kay BBM; "I wish you, Liza, and your beautiful boys, God's blessings"

Megastar kay BBM; "I wish you, Liza, and your beautiful boys, God's blessings"

- Nagbigay mensahe si Megastar Sharon Cuneta kay Bongbong Marcos sa huling araw ng kampanya noong Mayo 7

- Hindi niya umano makalilimutan ang kabutihan ng presidentiable at pamilya nito sa kanya

- Sinabing umaasa parin si Sharon na matapos ang eleksyon, maaring makasama pa rin niya ang mga ito bilang mga Pilipino

- Maging sa katunggali ng kanyang mister sa pagka-bise presidente na si Mayor Sara Duterte ay binigyan din niya ng mensahe

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa huling araw ng kampanya noong May 7 sa Miting de Avance sa Makati ng 'Leni-Kiko tandem' nagbigay mensahe si Megastar Sharon Cuneta kay presidential candidate Bongbong Marcos (BBM).

Sharon Cuneta kay BBM: "I don't have to agree or like what you've done or what you have not done"
Sharon Cuneta (Photo: Robredo People's Council)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na sa kabila ng magkaibang grupo, hiling pa rin ng Megastar ang kabutihan para sa pamilya ni BBM.

"This is for Bong (Bongbong). I don't have to agree or like what you've done or what you have not done for me to always remember your kindness towards me when I was growing up, as well as your whole family. I wish you, Liza, and your beautiful boys, God's blessings and that we all come together when all this is over and just be Filipinos"

Read also

Archbishop Socrates Villegas, emosyonal na nagbigay mensahe sa mga PPCRV volunteers

Maging si Mayor Sara Duterta na katunggali naman ng kanyang mister na si Senator Kiko Pangilinan sa pagka-bise presidente ay binigyan din niya ng mensahe.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"I also want to say to Sara, Inday, nagkakaintindihan tayo. Kahit wala na si Tatay sa aking buhay, never kang nawala. Alam ko, kasi hindi ka lang Sharonian, pero mahal kita. Kaya lang ang bise presidente ko talaga si Kiko"

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag na ibinahagi rin ng Kapamilya Kingdom:

Si Sharon Gamboa Cuneta-Pangilinan ay isa sa mga respetadong Filipina actress, singer, TV host at endorser. Tinagurian siyang "Megastar" dahil sa kanyang matagumpay na career sa showbiz. Siya ang asawa ni Senator Kiko Pangilinan na kasalukuyang running mate ni Vice President Leni Robredo.

Kamakailan, gumawa ng ingay si Sharon dahil sa umano'y naging komento niya sa paggamit ni Senatorial aspirant Salvador Panelo ng kanyang awitin.

Read also

Bongbong Marcos, nagpasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanyang kandidatura

Subalit hindi nagtagal, humingi na rin ng dispensa si Sharon sa kanyang nai-post.

Nakaramdam umano siya ng pagka-insulto dahil tila minamaliit umano ang kanyang asawa at ang pagtakbo niya bilang bise presidente ng bansa.

"Truth is, I felt slighted. Sa akin, parang minamaliit si Kiko at ang pagtakbo niya ng VP. Dahil sa dinami-dami ng kanta, bakit naman kanta ko pa ang napili? Dahil kaya Goliath ang VP candidate niya sa David kong asawa? Nasaktan ako," aniya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel