Sandara Park, kinaaliwan sa pagiging matatas pa rin mag-Tagalog

Sandara Park, kinaaliwan sa pagiging matatas pa rin mag-Tagalog

- Kahit matagal nang nag-migrate sa South Korea, pinatunayan ni Sandara Park na siya ay may pusong Pinoy pa rin

- Sa isang video na kanyang binahagi sa Instagram ay makikita ang K-Pop superstar na nagta-Tagalog habang nag-oorder ng pagkain

- Aminado si Sandara na nawala sa isip niyang nasa Dubai siya dahil sa maraming nakasalamuhang Pinoy kaya siya nag-Tagalog

- Matatandaang una siyang sumikat sa Pilipinas nang sumali siya sa Kapamilya talent show na Star Circle Quest noong 2004

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Marami ang naaliw at natuwa kay Sandara Park matapos nitong ibahagi ang isang video kung saan nagta-Tagalog siya habang nag-oorder ng pagkain. Aminado si Sandara na nawala sa isip niyang nasa Dubai siya dahil sa maraming nakasalamuhang Pinoy kaya siya nag-Tagalog.

Sandara Park, kinaaliwan sa pagiging matatas pa rin mag-Tagalog
Photo from Sandara Park (@daraxxi)
Source: Instagram
yi. I’m in Dubai right now but since there are so many Pinoy here, I keep on speaking tagalog so naturally so comfortable nag oorder ako ng food in tagalog and then I realized nasa Dubai pala ako hahaha ang cute!!! Thank you sa mga love nyo sakin

Read also

Johnoy Danao, naluha nang magpa-thank you sa kanya si VP Leni Robredo

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa naturang video, makikita si Sandara na nakikipag-usap sa server na isang Pinay.

“Isang shrimp and chicken siomai…and then ano pa ‘yung masarap na ibang [nasa] menu? ‘Yung mga chicken, beef.”

Samantala, narito ang ilan sa komento ng mga Pinoy netizens:

Translator at tagakuha ng order Our multilingual and multitasker queen
Yaaaas! Thank you Dara unnie for always including Phil. Mahal na mahal po namin kau! Hoping for more 2NE1 performances onstage! Blackjack FOURever!
Perfect score pa rin sa tagalog walang kupas❤️ love everything you ordered at

Si Sandara Park ay isang South Korean singer, actress at television presenter. Una siyang sumikat sa Pilipinas nang sumali siya sa Kapamilya talent show na Star Circle Quest noong 2004.

Taong 2007 nang lumipat siya sa South Korea at sinubukang makipagsapalaran. Kinalaunan ay naging bahagi siya ng sikat na grupong 2NE1. Gayunapaman, nabuwag ang kanilang grupo at hindi napigilang maging emosyonal ni Sandara nang muling ikuwento ang tungkol dito.

Sa naunang ulat ng KAMI, naging usap-usapan ang komento ni Sandara sa picture ni Vice Ganda kasama si Ion Perez.

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel