Rob Moya, kinabahan umano sa collab nina Toni Fowler at Toni Gonzaga

Rob Moya, kinabahan umano sa collab nina Toni Fowler at Toni Gonzaga

- Matapos lumabas ang panayam ni Toni Gonzaga kay Zeinab Harake, aminado si Rob Moya na kinabahan siya sa collab nina Toni G. at Toni Fowler kamakailan

- Matatandaang naging kontrobersiyal din sina Rob at Toni kamakailan matapos ang kaguluhan sa kanilang pag-celebrate ng birthday ni Rob

- Kamakailan lang ay inilabas ni Zeinab ang aniya'y totoong nangyari kung bakit sila nagkahiwalay ni Skusta Clee

- Sa kasalukuyan ay umaani ng matinding bashing si Skusta lalo at hindi pa rin ito nagsasalita kaugnay sa isyu

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon kay Rob Moya ay kinabahan siya sa collab nina Toni Fowler at Toni Gonzaga. Ito ay matapos lumabas ang panayam ni Toni kay Zeinab Harake kamakailan.

Rob Moya, kinabahan umano sa collab nina Toni Fowler at Toni Gonzaga
Rob Moya
Source: Facebook

Matatandaang sa kanilang mga social media posts ay makikitang nagkasama ang dalawang Toni. May mga TikTok videos silang binahagi ngunit hindi pa malinaw kung nagkaroon din ng panayam na naganap.

Read also

VP Leni Robredo, dumalaw sa burol ng yumaong supporter na si Nanay Gloria

Sa nilabas nilang videos ay inihayag ni Toni Fowler ang kanyang pagsuporta sa kandidatura ni Bongbong Marcos.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang sa nilabas na panayam ni Toni kay Zeinab, binahagi ni Zeinab ang dahilan ng hiwalayan nila ni Skusta. Sa kasalukuyan ay umaani ng matinding bashing si Skusta lalo at hindi pa rin ito nagsasalita kaugnay sa isyung kanyang kinasasangkutan at sa lahat ng naging alegasyon ni Zeinab.

Si Rob Moya ay isang aktor at YouTube content creator na naging karelasyon ng YouTuber na si Toni Fowler. Nakilala siya sa YouTube bilang si Daddy Rob dahil marami ang humanga sa pagtayo nito bilang ama sa anak ni Toni na si Tyronia Fowler.

Matatandaang nagkaayos na sana sina Rob at Toni ngunit muli silang nagkasamaan ng loob nang magwala kamakailan si Rob sa isang bar nang lumabas sila para ipagdiwang ang kaarawan niya.

Read also

Lola sa viral video na nag-aabang kay VP Leni noong kampanya, pumanaw na

Matapos ang kanilang gulo, sinubukan ni Rob na makipag-ayos sa pamamagitan ng pagpapadala ng bulaklak kay Toni. Gayunpaman, tinapon lang ito ni Toni dahil aniya ay hindi na siya magpapaloko.

Kamakailan lang ay hinarap ni Toni si Rob nang puntahan niya ito sa condo. Muling naging malala ang sitwasyon nang magtanong si Rob kung pwede daw ba siyang manligaw uli kay Toni. Agad namang nag-walk out sina Toni nang lumuhod si Rob para sa kanyang proposal.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel