Xian Gaza, tinawagan daw ni Zeinab Harake kaugnay sa kumalat na picture ni Skusta Clee

Xian Gaza, tinawagan daw ni Zeinab Harake kaugnay sa kumalat na picture ni Skusta Clee

- Matapos ilabas ni Xian Gaza ang isang picture ni Skusta Clee kasama ang isang babae, agad na naging usap-usapan ito

- Gayunpaman, ayon kay Xian, tumawag sa kanya si Donnalyn upang linawin na hindi daw kabilang sa mga "kemberlu" ni Skusta ang babae sa picture

- Aniya, sinabi din ni Zeinab na kawawa naman daw dahil nadadawit sa kontrobersiya

- Depensa naman ni Xian, wala naman siyang sinabi tungkol sa babae lalo at wala naman umanong caption ang kanyang post

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon kay Xian Gaza, binabaan siya ng telepono ni Zeinab Harake matapos niyang dumipensa kaugnay sa inilabas niyang picture ni Skusta Clee kasama ang isang babae. Ayon kay Xian, tumawag sa kanya si Zeinab upang linawin na hindi daw kabilang sa mga "kemberlu" ni Skusta ang babae sa picture.

Read also

Pau Fajardo, aminadong kailangan pa ng oras para makapagpatawad

Xian Gaza, tinawagan daw ni Zeinab Harake kaugnay sa kumalat na picture ni Skusta Clee
Photo from Zeinab Harake (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Aniya, sinabi din ni Zeinab na kawawa naman daw dahil nadadawit sa kontrobersiya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sagot naman ni Xian, wala naman siyang sinabi tungkol sa babae at wala din siyang nilagay na caption. Kasunod umano nito ay binabaan na siya ng phone ni Zeinab.

Kakatawag lang ni Zeinab just now. Yung babae daw ay kaibigan lang talaga ni Skusta Clee at hindi daw yan kabilang sa mga kemberlu ni Skusta. Kawawa daw. Sagot ko "May sinabi ba ko? Wala ngang caption eh". Binabaan ako ng phone. LQ kami.

Sa kasunod na Facebook status niya nabanggit niyang kaibigan lang iyon ni Skusta.

Nakokonsensya ako ngayon kasi nasira sa buong Pilipinas yung babae tapos kaibigan lang pala siya ni Skusta Clee. Very wrong. Tsk tsk. Kaya promise ko sa sarili ko eh magbabago na ko. Simula ngayon, hinding-hindi na ko makokonsensya.

Read also

Skusta Clee, nagparamdam na sa social media sa gitna ng mga kontrobersiya

Si Zeinab Harake ay isang social media influencer at YouTube content creator. Naging kontrobersiyal ang relasyon nila ni Skusta Clee nang una silang maghiwalay kung saan ibinunyag ni Zeinab ang ilang bagay tungkol kay Skusta.

Naging laman ng balita ang pagsasapubliko ni Zeinab na nagdadalang-tao siya sa anak nila ng kasintahang si Skusta Clee. Sa isang panayam kay Toni Gonzaga ay inilahad ni Zenab ang ilang detalye ng kanyang pagbubuntis.

Kamakailan, ibinahagi ni Zeinab ang behind the scenes ng bonggang photoshoot ng baby girl niyang si Bia. Nagmukhang munting prinsesa ang baby nila ng boyfriend na si Skusta Clee ng 'Ex-Batalion.'

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel