Skusta Clee, nagparamdam na sa social media sa gitna ng mga kontrobersiya

Skusta Clee, nagparamdam na sa social media sa gitna ng mga kontrobersiya

- Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagbahagi ng kanyang IG story si Skusta Clee matapos siyang masangkot sa kontrobersiya

- Kaugnay ito sa haka-hakang nagkahiwalay na sila ni Zeinab Harake matapos makunan sa pangalawang anak niya si Zeinab

- Wala namang ibang sinabi si Skusta Clee sa kanyang maikling video clip ngunit makikita ang tila pagsimangot niya

- Kapansin-pansin din na tila wala ito sa bahay ni Zeinab kung saan sila nakatira kasama ang kanilang anak na si Bia

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram story, ibinahagi ni Skusta Clee ang isang maikling video. Wala namang ibang sinabi si Skusta sa kanyang maikling video clip ngunit makikita ang tila pagsimangot niya.

Skusta Clee, nagparamdam na sa social media sa gitna ng mga kontrobersiya
Photo from Zeinab Harake (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Napansin din ng ibang netizens na tila wala ito sa bahay ni Zeinab kung saan sila nakatira kasama ang kanilang anak na si Bia dahil iba ang itsura ng kanyang background.

Read also

Skusta Clee, binura na rin ang mga pictures ni Zeinab Harake sa kanyang IG

Matapos ang pagbura ni Zeinab Harake ng mga pictures ni Skusta Clee sa kanyang Instagram, marami ang nakapansin na wala na rin ang mga litrato ni Zeinab sa IG photos ng rapper.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Simula nang ilabas ni Zeinab ang tungkol sa balita kaugnay sa pagkawala ng kanyang anak na kanyang tinawag sa pangalang moon, walang nilabas na pahayag si Skusta Clee. Gayunpaman, hindi ito nagparamdam ng ilang araw at wala itong post sa social media simula nang lumabas ang balitang hiwalay na sila.

Wala pa ring diretsang pahayag na inilalabas ang magkabilang kampo ngunit ang kanilang mga social media ang naging basehan ng mga netizens na may pinagdadaanan ang dalawa.

Si Zeinab Harake ay isang social media influencer at YouTube content creator. Naging kontrobersiyal ang relasyon nila ni Skusta Clee nang una silang maghiwalay kung saan ibinunyag ni Zeinab ang ilang bagay tungkol kay Skusta.

Read also

Sandara Park, kinaaliwan sa kanyang binahaging picture ng tumalsik niyang sapatos

Naging laman ng balita ang pagsasapubliko ni Zeinab na nagdadalang-tao siya sa anak nila ng kasintahang si Skusta Clee. Sa isang panayam kay Toni Gonzaga ay inilahad ni Zenab ang ilang detalye ng kanyang pagbubuntis.

Kamakailan, ibinahagi ni Zeinab ang behind the scenes ng bonggang photoshoot ng baby girl niyang si Bia. Nagmukhang munting prinsesa ang baby nila ng boyfriend na si Skusta Clee ng 'Ex-Battalion.'

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel