Angel Locsin, personal na namahagi ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo sa Leyte

Angel Locsin, personal na namahagi ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo sa Leyte

- Mismong si Angel Locsin ang namahagi ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Agaton sa Leyte

- Kasama ang kanyang mister na si Neil Arce, nagtungo si Angel sa Baybay City kung saan naiulat ang may pinakamaraming nasalanta ng bagyo

- Hanggang ngayon, nanatili sa mga evacuation sites ang mga residente habang inaayos pa ng ilan sa kanila ang kani-kanilang mga tahanan

- Tinaguriang 'real-life Darna si Angel Locsin dahil umano sa walang pinipiling oras nito ng pagtulong sa mga nangangailangan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Personal na binisita at binigyan ng tulong ni Angel Locsin ang mga nasalanta ng Bagyong Agaton sa Baybay City sa Leyte.

Angel Locsin, personal na namahagi ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo sa Leyte
Photo: Angel Locsin (Baybay City, Leyte for Leni-Kiko Facebook)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ito umano ang naiulat na lugar kung saan marami umano ang mga labis na naapektuhan at nasawi sa nasabing lungsod dahil sa hindi inaasahang paglakas ng nasabing bagyo.

Read also

Norberto Gonzales, tuloy ang kandidatura sa kabila ng umano'y nagsasabing umatras na sila

Dahil dito, agad na nagtungo si Angel at mister nitong si Neil Arce sa lugar para kumustahin ang mga kababayan nating nananatili pa rin sa mga evacuation sites.

Ang ilan sa kanila, tila walang kasiguraduhan kung may maayos pang mga tirahan na mauuwian.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naibsan naman ni Angel ang kalungkutan ng mga residente dahil sa kanyang presensya at pagpapaabot ng tulong sa kanila.

Ayon sa Balita.net, tinatayang nasa 150 katao ang nasawi sa pananalasa ni 'Agaton.'

Dahil dito, kanya-kanyang pagbabahagi ang mga residente roon ng kanilang larawang kuha sa 'real-life Darna' na naroon para tulungan at bigyan sila ng pag-asa.

Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na babaeng artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.”

Read also

Isko Moreno, naatasang basahin ang joint statement ng ilan pang presidentiables

Agosto 7 noong 2021 nang isapubliko niya ang pagpapakasal sa film producer na si Neil Arce. Kilala rin si Angel sa pagiging isang philanthropist dahil na rin sa kabi-kabila niyang pagtulong sa mga kababayan nating sinusubok ng matinding kagipitan sa buhay lalo na nang magsimula ang pandemya kung saan bukod sa marami ang nagkasakit, marami rin ang mga nawalan ng hanapbuhay.

Katunayan, isa si Angel sa tahimik na tumulong sa mga nasalanta ng Bagyong Odette na tumama sa bansa noong Disyembre 16.

Sa post ni Kris Aquino, nabanggit nito na ipinaabot ni Angel ang donasyon niya na nagkakahalaga ng P2 million kay Vice President Leni Robredo.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica