Moi Bien, pinagdiskitahan ang paa ni Piolo Pascual sa kanyang vlog

Moi Bien, pinagdiskitahan ang paa ni Piolo Pascual sa kanyang vlog

- Sa vlog ni Moi Bien kung saan binahagi niya ang house tour ni Piolo Pascual sa kanyang rest house, kinaaliwan ang pagiging malapit ni Moi sa aktor

- Binahagi ni Piolo kung gaano siya ka hands-on pagdating sa mga gawain sa kanyang rest house

- Sa katunayan, siya mismo ang nagtatanim ng mga halaman sa paligid ng rest house

- Sa isang bahagi ng vlog ay biniro pa ni Moi si Piolo sa paa nito dahil nangitim na umano ito

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Marami ang naaliw sa binahaging video ni Moi Bien kung saan nag-house tour si Piolo Pascual sa kanyang rest house. Kinaaliwan din ang biruan ng dalawa habang nag-uusap sa naturang video.

Moi Bien, pinagdiskitahan ang paa ni Piolo Pascual sa kanyang vlog
Piolo Pascual during a photo session of "In Times of the Devil" in Germany, Berlin, Berlinale, (Photo by Maurizio Gambarini/picture alliance)
Source: Getty Images

Hini maipagkakailang hands-on ang aktor sa mga renovation niya sa kanyang rest house. Siya mismo ang nagtatanim ng mga halaman sa kanyang bahay.

Read also

Moi Bien Marcampo, muling binida ang kanilang pictures ni Piolo Pascual

Isa-isa ding binahagi ni Piolo ang detalye ng bawat bahagi ng kanyang bahay. Sa isang bahagi ng vlog ay biniro pa ni Moi si Piolo sa paa nito dahil nangitim na umano ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Biro ni Moi, parang hindi umano halatang hardinero si Piolo dahil sa kanyang paa. Bawi din agad si Moi at sinabing "So clean pa rin" si Papa P.

Si Moi o mas kilala bilang si Yaya Moi ay naging PA ni Piolo kahit noong nagsisimula pa lamang ito sa kanyang showbiz career.

Kahit pa Personal Assistant lamang siya ay tila kapamilya narin ang turing ng aktor sa kanya. Madami na ring litrato nila ang binahagi ni Moi na talaga namang kinainggitan ng maraming netizens. Tinulungan din siya ni Piolo na matupad ang isa niyang pangarap.

Read also

Ivana Alawi, humanga sa katapatan ng mga taga-Masbate na nagsauli ng kanilang cellphone

Isa na siyang degree holder matapos siyang makapag enrol sa culinary class. Kinalaunan, nag-artista na rin ito at naging bahagi na rin ng maraming mga palabas at pelikula.

Si Piolo Pascual ay kilala bilang isa sa pinakahinahangaang leading man sa showbiz. Ilan sa mga naging kapareha niya sa pelikula at teleserye ay sina Judy Ann Santos, Claudine Barretto, Angel Locsin, Bea ALonzo, Toni Gonzaga at marami pang iba.

Matatandaang nag-donate si Piolo ng 200 na bike para sa bike drive ni Gretchen Ho. Nauna na ring ring naibahagi ni Piolo ang kanyang resthouse sa Batangas.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel