Jelai Andres at Buboy Villar, kinaaliwan sa kanilang kulitan sa amusement park

Jelai Andres at Buboy Villar, kinaaliwan sa kanilang kulitan sa amusement park

- Sa kanyang bagong YouTube video, ibinahagi ni Jelai Andres ang kanilang naging bonding moment ng kaibigang si Buboy Villar

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

- Ginawa nila ang No Reaction Challenge habang sumasakay sila sa iba't-ibang extreme na rides sa amusement park

- Marami ang natuwa sa dalawa na maraming beses na ring nagkakasama sa kanilang mga YouTube videos

- Kamakailan ay isang mamahaling cellphone ang niregalo ni Jelai para sa kaarawan ng kanyang kaibigang si Buboy

Marami ang naaliw sa kulitan ng magkaibigang Jelai Andres at Buboy Villar sa bagong video na binahagi ni Jelai. Ginawa nila ang No Reaction Challenge habang sumasakay sila sa iba't-ibang extreme na rides sa amusement park.

Jelai Andres at Buboy Villar, kinaaliwan sa kanilang kulitan sa amusement park
Jelai Andres (@jelaiandresofficial)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Zeinab Harake, naka-unfollow na sa Instagram account ni Skusta Clee

Kailangan nilang piliting hindi mag-react habang nakasakay sa mga extreme rides sa amusement park. Ilan sa kanilang sinakyang rides ay Anchor's Away at EKstreme Tower.

Kagaya sa mga nauna nilang videos na magkasama sila, marami ang nagsabing naaliw sila sa kulitan ng magkaibigan:

Pag-kayong dalawa ni buboy ang mag-sama sobrang nakakatawa talaga kayo at di lang un nakakakilig kayong dalawa.thank you...po miss jelai and buboy,nakakatanggal kayo ng stress,pag-pinapanuod namin kayo.sana naman po un mag-asawa challenge,cguradong sobrang nakakakilig at nakakatawa po un.
Inaabangan ko talaga mga bago nyong vlog eh hahahaha iba talaga promise, iba yung saya na naihahatid nyo saming dalawa ni buboy Kayo lang talaga yung nagbavlog na pinapanood at pinagpupuyatan ko
Kilig na naman ako to the bones lakas makajowa nitong dlawa bagay na bagay pati ugali nila cguro kung maging sila tlgang forever na tlga kasi si boy very funny but kind and understandin

Read also

Ina ni Francine Diaz, nilabas ang saloobin kaugnay sa pagtatanggol ni Seth Fedelin kay Andrea Brillantes

Si Jelai Andres ay isang cover girl ng FHM na ngayon ay isa nang Kapuso actress at social media influencer. Si Jon naman na kilala din sa bansag na King Badger ay miyembro ng grupong Ex-Battalion. Unang sumikat sa social media sina Jelai at Jon dahil sa kanilang videos na nag-viral sa Facebook.

Sa kainitan ng pagputok ng balita tungkol sa muling paghihiwalay nila ni Jon, hindi napigilang ilabas nina Jelai at kapatid nito ang kanilang sama ng loob kay Jon. Matapos ang pag-trending ng tungkol sa isyu nila, naapektuhan ng husto si Jelai. Sa katunayan, ibinahagi ng kaibigan niya na pumayat na nga ito dahil hindi masyadong nakakakain.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel