Michelle Madrigal, legally separated na sa dating asawa

Michelle Madrigal, legally separated na sa dating asawa

- Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Michelle Madrigal na legal na silang hiwalay ng kanyang dating asawa

- Nagbahagi siya ng kanyang saloobin kaugnay sa pagtatapos ng kanyang marriage na aniya'y nagbigay sa kanya ng kasiyahan noon

- Binibitawan niya na umano ang mga hindi magandang emosyon na kanyang dinanas at panghahawakan niya ang magagandang alala

- Pinasalamatan niya rin ang mga pamilya at kaibigan niyang sumuporta umano sa kanya sa kanyang pinagdaanan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ibinahagi ni Michelle Madrigal ang kanyang saloobin kaugnay sa bagong yugto ng kanyang buhay matapos ang divorce nila ng kanyang dating asawa. Aniya, itong buwan din sana sila magdidiwang ng kanilang anniversary kung hindi sila nagkahiwalay.

Michelle Madrigal, legally separated na sa dating asawa
Photo from Michelle Madrigal (@mitch_madrigal)
Source: Instagram

Ito umano ang pagtatapos ng isang bagay na dating nagbigay sa kanya ng kaligayahan.

Yesterday was supposedly a day we celebrate our union few years back… Fast forward to 2022, it’s a completely different story because this marriage is at the end of divorce (took some time but have been legally separated). An ending to something that once gave her happiness and joy.

Read also

Pia Wurtzbach, nakaboto na; umano'y proud na nanindigan para kay VP Leni

Patuloy pa rin umano niyang pinagbubuti ang kanyang sarili at patuloy pa ring natutuo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Yes marriage is a lot of hard work, but both parties should be willing to evolve and change individually (do the inner work). This woman is a complete different person a year ago. She’s constantly evolving and relearning about herself.

Pinasalamatan niya rin ang mga pamilya at kaibigan niyang sumuporta umano sa kanya sa kanyang pinagdaanan.

Letting go to free myself. Welcome to the new chapter of my life. To all my friends and family who have supported me emotionally and financially, y’all know who you are! Thank you.

Si Michelle Madrigal Gaspar o mas kilala sa kanyang screen name na Michelle Madrigal ay isang Pinay actress na nakilala sa mundo ng showbiz nang maging bahagi ng reality talent search na Star Circle Quest.

Read also

Madam Kilay, binahagi ang video ng pag-propose ng kanyang boyfriend

Biniyayaan si Michelle at kanyang asawang si Troy Woolfolk ng isang anak na babaeng pinangalanan nilang Anika Austin Woolfolk. Nauna nang naibahagi ng aktres na nagkakilala sila ng kanyang mister sa isang dating app.

Matatandaang naibahagi ng mag-asawa sa isa sa kanilang vlog na sumasailalim sila sa marriage counseling.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate