Vince Flores, humingi ng dispensa sa bestfriend ni Toni Fowler
- Sa kanyang video, humingi ng dispensa si Vince Flores sa bestfriend ni Toni Fowler na si Anthony Leodones
- Maging sa mga kasamahan nila sa ToRo ay humingi siya ng dispensa dahil sa mga nagyari
- Gayunpaman, aniya tao lang din siya at napupuno din kaya nang makita niyang binabastos ang babaeng mahal niya, hindi na niya napigilang pumatol
- Aniya, sa nangyaring iyon sa tingin niya ay hindi siya dapat kumalma lang kaya pinagtanggol niya umano si Toni
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Matapos ang paglabas ng isyu kaugnay sa kaguluhan nina Toni Fowler at Rob Moya kamakailan, naglabas din ng saloobin si Vince Flores. Aniya, hindi niya ugaling makisali sa isyu ngunit aniya tao lang din siya at napupuno din kaya nang makita niyang binabastos ang babaeng mahal niya, hindi na niya napigilang pumatol.
Nasigawan niya daw si Rob matapos ang pambabastos umano nito kay Toni. Aniya, kahit sino naman kapag binabastos ang taong mahal nila ay hindi mananahimik.
Humingi din ng dispensa si Vince sa mga tao dahil sa kanyang naging reaksiyon sa pangyayari. Kahit anong mangyari aniya ay hindi niya iiwan si Toni dahil poprotektahan niya umano ito.
Hindi din daw siya bibitaw sa kanyang panliligaw kay Toni matapos ang nangyari. Gusto niya umanong panindigan ang pangako niya na hindi niya iiwan sina Toni, Tyronia at buong ToRo family.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Dagdag pa niya, hindi niya hahayaang maagaw ni Rob si Toni. Hindi daw siya magpapatalo kay Rob. Pinasalamatan naman niya ang isa sa kasamahan sa ToRo na umawat sa kanya kaya hindi na lumala pa ang gulo.
Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay nina ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.
Kamakailan nga ay agad na nag-viral ang post ni Toni Fowler kung saan pinasalamatan niya si Tito Vince dahil palagi itong nasa tabi niya kahit hanggang magkaibigan lang umano sila.
Naging usap-usapan din ang pagtulong niya sa preparasyon para sa proposal ng kanyang dating karelasyon na si Rob Moya sa bago nitong girlfriend. Gayunpaman, nagkahiwalay din sila.
Source: KAMI.com.gh