Viral YouTuber na si Lolo Smart, masayang nakatanggap ng silver play button
- Masayang nakatanggap ng silver play button mula sa YouTube ang vlogger na si Lolo Smart
- Oktubre 2020 nang simulan niya ang kanyang YouTube channel sa pagnanais na maibahagi ang kaalaman niya pagdating sa repair, travel at maging sa photography
- 40 taon nang repair man si Lolo Smart kaya naman nais niyang ibahagi ang kanyang ginagawa na alam niyang makatutulong sa iba
- Sa ngayon, umabot na sa 177,000 ang kanyang mga subscribers na labis niyang ipinagpapasalamat
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Nakatanggap na ng silver play button mula sa YouTube ang 67-anyos na YouTuber na si Lolo Smart.
Nalaman ng KAMI na 40 taon nang repair man si Rodel Pacis o mas kilala bilang 'Lolo Smart.'
Ayon sa kanyang pahayag sa Philippine Star, naisipan niyang ibahagi ang kanyang kaalaman sa pagkukumpuni sa pamamagitan ng pagkakatoon ng kanyang sariling YouTube channel.
Bukod sa pangunahing content ng kanyang mga vlogs na repair, naibabahagi rin niya ang kaalaman sa photography at iba pang electronic work.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Dahil sa makabuluhang nilalaman ng kanyang mga video, mula Oktubre 2020 na wala halos nagsu-subscribe sa kanya, ngayon 177,000 na ang mga sumusuporta sa kanyang channel.
"Maraming salamat po sa inyong lahat na sumuporta kay Lolo Smart kaya natanggap ang Silver Play Button," ang pasasalamat ni Lolo Smart sa kanyang mga subscribers.
Dahil dito, mas lalo pang ginanahan si Lolo Smart na gumawa pa ng maraming video na makadaragdag ng kaalaman sa kanyang mga viewers.
Malaking bagay din umano na suportado siya ng kanyang mga mahal sa buhay lalo na at nakikitang nag- eenjoy naman siya sa kanyang ginagawa.
Narito ang kanyang kwento na naibahagi rin ng News5:
Tulad ni Lolo Smart, isa rin sa mga kilalang vlogger sa bansa na taos-puso kung magbahagi ng biyaya sa mga Pinoy si Basel Manadil.
Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na YouTuber na piniling manirahan sa ating bansa. Mayroon na siyang halos limang milyong subscribers sa YouTube.
Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng ilang mga branch ng YOLO Retro Diner at Yeoboseyo Korean Mart.
Ilan sa mga video na umantig sa puso ng kanyang viewers ay ang pamamahagi niya ng tulong sa nasa 20 na taong lansangan na nadaanan lamang niya.
Gayundin ang mga jeepney at taxi drivers na naging matumal ang biyahe noong nakaraang dalawang taon dahil sa pandemya ay naabutan niya ng malaki-laking halaga upang mabigyan ang mga ito ng pag-asang makabangon muli sa kabila ng mga pagsubok.
Source: KAMI.com.gh