Mariel Padilla, kinuwento ang pagkakataon na galit na galit sa kanya si Robin Padilla

Mariel Padilla, kinuwento ang pagkakataon na galit na galit sa kanya si Robin Padilla

- Ayon kay Mariel Padilla, hindi niya makakalimutan ang pagkakataong nagalit sa kanya nang husto si Robin Padilla

- Ito ay dahil lamang binigay niya ang account number sa isang malapit na kaibigan ng aktor na nais umano magbigay ng tulong

- Hindi umano natuloy ang pag-transfer ng pera dahil kaagad na hinarang ni Robin ang pagpapadala ng kaibigan niya

- Matapos umano mangyari iyon ay natuto na si Mariel at hindi na siya nag-eentertain ng mga taong nagsasabing nais magbigay ng tulong sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon kay Mariel Padilla, natuto siya matapos siyang mapagalitan ng sobra ni Robin Padilla matapos niyang ibigay ang account number niya sa isang malapit na kaibigan ng aktor na nais umano magbigay ng tulong. Hindi umano siya pinansin ng mister at hindi din nito kinain ang mga luto niya.

Read also

Brenda Mage, ipinakita ang hagupit ng Bagyong Agaton sa kanilang lugar

Mariel Padilla, kinuwento ang pagkakataon na galit na galit sa kanya si Robin Padilla
Photo from Mariel Padilla (@marieltpadilla)
Source: Instagram

Paliwanag ni Mariel, ang nasa isip umano ni Robin ay baka dumating ang pagkakataon na ipapatawag siya sa senado at kukuwestiyonin kung bakit siya tumanggap ng pera. Hindi naman umano natuloy ang pag-transfer ng pera dahil kaagad na hinarang ni Robin ang pagpapadala ng kaibigan niya.

Matapos umano mangyari iyon ay natuto na si Mariel at hindi na siya nag-eentertain ng mga taong nagsasabing nais magbigay ng tulong sa kanila.

Ayaw daw talaga ni Robin ng isyu at ayaw ni Robin na mangyari ang kanyang kinakatakutan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Akala umano ni Robin na wala namang problema dahil malapit na kaibigan ng mister niya ang taong ito na nais magpadala ng tulong.

Pinagpapasalamat naman ni Mariel ang mga pagtulong ng mga kaibigan nila at maging mula sa mga supporters ni Robin na nagpapagawa ng mga tarpaulin para kay Robin.

Read also

28-anyos na dating nakulong, 'di nawalan ng pag-asa at isa na ngayong pulis

Si Mariel Rodriguez-Padilla ay isang Filipina model, endorser, television host, VJ at aktres. Siya ay isang American Citizen. Ikinasal sila ng actor na si Robin Padilla noong Agosto 19, 2010 sa Taj Mahal sa India.

Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame. Mayroon na silang dalawang anak, si Isabella at Gabriela.

Kinabiliban ang mag-asawa dahil sa magandang pakikitungo nila sa kanilang mga kasambahay. Sa katunayan ay pinagawaan pa nila ito ng libreng pabahay.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate