Mariel Padilla, nasasaktan kapag sinasabihan si Robin Padilla na hindi qualified tumakbo

Mariel Padilla, nasasaktan kapag sinasabihan si Robin Padilla na hindi qualified tumakbo

- Sa ikalawang bahagi ng panayam ni Ogie Diaz, inamin ni Mariel Padilla na nasasaktan siya sa panghuhusga at pangmamaliit sa kanyang sa kanyang asawang si Robin Padilla

- Ito ay tungkol sa mga komento ng ilan na hindi umano qualified na tumakbo si Robin sa pagka-senador

- Aniya, kung papakinggan lamang ng mga tao ang mga panayam kay Robin ay malilinawan sila na smart ang kanyang asawa

- Binaggit din nito kung gaano ka matulungin ang kanyang asawa sa mga taong nangangailangan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Aminado si Mariel Padilla na nasasaktan siya sa mga panghuhusga sa kanyang asawang si Robin Padilla lalo na sa kanyang kakayahan. May mga kumukuwestiyon kaugnay sa umano'y kwalipikasyon ni Robin na tumakbo bilang isang senador.

Mariel Padilla, nasasaktan kapag sinasabihan si Robin Padilla na hindi qualified tumakbo
Photo from Mariel Padilla (@marieltpadilla)
Source: Instagram

Bukod sa pagiging matulungin nito at mabuting ama sa kanyang mga anak, nabanggit ni Mariel na kung pakikinggan lang ang mga sagot ni Robin sa mga panayam sa kanya, malalaman umano ng mga tao na may laman ang utak niya.

Read also

Viral YouTuber na si Lolo Smart, masayang nakatanggap ng silver play button

Aniya, ang laman ng utak niya ay nagmula sa kanyang kagustuhan na makatulong. Bukod dito, nabanggit din ni Mariel kung gaano kabuting ama at asawa si Robin sa kanya.

Sa katunayan umano, dahil wala siyang float sa pangangampanya, nakisakay siya sa float ng isa sa mga kapwa niya tumatakbo. Ang sinuot niyang t-shirt ay hindi ang sa kanya kundi sa kandidatong kalaban niya sa pagtakbo bilang senador.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maging ang t-shirt umano na pinamigay niya ay hindi kanya. Kadalasan pa umano sa kanyang post ay pangangampanya sa kanyang napupusuang kandidato kahit parehas pa sila ng posisyon na tinatakbuhan. Ani Mariel, kahit noon pa man ay alam nilang wala silang kakayahan na gumastos ng malaki para sa pangangampanya.

Si Mariel Rodriguez-Padilla ay isang Filipina model, endorser, television host, VJ at aktres. Siya ay isang American Citizen. Ikinasal sila ng actor na si Robin Padilla noong Agosto 19, 2010 sa Taj Mahal sa India.

Read also

Awra Briguela, ibinahaging si Vice Ganda na ang manager niya

Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame. Mayroon na silang dalawang anak, si Isabella at Gabriela.

Kinabiliban ang mag-asawa dahil sa magandang pakikitungo nila sa kanilang mga kasambahay. Sa katunayan ay pinagawaan pa nila ito ng libreng pabahay.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel