Hipon, Pastillas at Madam Inutz, kinaaliwan sa kanilang Pabobohan challenge

Hipon, Pastillas at Madam Inutz, kinaaliwan sa kanilang Pabobohan challenge

- Muling nagkasama sina Herlene "Hipon" Budol, Angelica Yap na kilala din bilang si Pastillas Girl at si Madam Inutz

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

- Sumabak sila sa tinawag nilang Pabobohan Challenge kung saan nagsalitan sila sa pagsagot

- Ang naging twist sa kanilang challenge ay ang paghampas ng plastic na bote sa taong hindi makakasagot

- Marami ang naaliw sa tatlo na ilang beses na ring nagkasama sa vlog at sila umano ang HiPaNutz

Napuno ng halakhakan at tawanan ang Pabobohan challenge kung saan nagpagalingan sina Herlene "Hipon" Budol, Angelica Yap na kilala din bilang si Pastillas Girl at si Madam Inutz. Ang naging twist sa kanilang challenge ay ang paghampas ng plastic na bote sa taong hindi makakasagot.

Hipon, Pastillas at Madam Inutz, kinaaliwan sa kanilang Pabobohan challenge
Herlene Budol, Angelica Yap at Madam Inutz (Screenshot from angelicajaneyap YT)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Elha Nympha, naglabas ng resibo na 'di siya bayad sa pagsuporta kay VP Leni

Sina Madam Inutz at Herlene ay parehas na hawak ng kanilang talent manager na si Wilbert Tolentino. Marami ang naaliw sa tatlo na ilang beses na ring nagkasama sa vlog at sila umano ang HiPaNutz.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga viewers:

Ang saya nyo panoorin sana meron pa sa susunod na magkakasama kayo ulit tatlo. Sobrang down to earth kayo tatlo same vibes lang. Walang pikunan kahit nagkakasakitan na.
Para na akong praning tawa ng tawa habang nag papatulog ng anak ko, lumoluha na mga mata ko sa kakatawa more collab pa ate ang saya nyu panuorin, keep safe and godbless Hipanutz
Andami kong tawa!! Juskoooo ang sakit nyo sa tyan. Damihan nyo pa pls

Si Daisy Lopez o Madam Inutz ay isang online seller na sumikat nang todo sa social media dahil sa kakaibang paraan niya ng pagbebenta ng mga ukay-ukay niyang paninda.

Lalong dumami ang kanyang tagasubaybay matapos mag-viral ang kanyang mga video sa social media kabilang na ang pagbenta niya ng aniya'y damit na pamburol. Sa kabila ng mga libo-libong viewers ay walang bumibili sa kanyang mga paninda. Kinalaunan, ito naman ang naging daan para sa mas makilala siya at nagbukas ng magagandang opportunidad para sa kanya.

Matatandaang nauna na siyang pumirma ng kontrata sa isang talent agency. Gayunpaman, marami sa kanyang mga tagasuporta ang hindi nagustuhan ang kanyang desisyon at umalma. Kaya naman nakapagpasya siyang huwag nang ituloy ang pagpapa-manage sa nasabing agency at napili niya si Wilbert Tolentino bilang maging manager niya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel