Eric Nicolas, nilinaw na sumusuporta at nagtatrabaho rin sa UniTeam nang walang bayad
- Matapos ang kanyang pahayag kamakailan kaugnay sa pangangampanya niya para sa UniTeam, minabuti ni Eric Nicolas na linawin ang kanyang pahayag
- Nilinaw niyang suportado niya at nagtatrabaho siya para sa UniTeam nang walang bayad
- Ito umano ay bilang pagtanaw ng utang na loob sa kabutihang pinakita sa kanya ng UniTeam noong panahon ng pandemya
- Aniya, wala pang eleksiyon ay bayad na nila ng kabutihan ang lahat ng ginagawa niya para sa UniTeam
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Minabuti ni Eric Nicolas na linawin ang kanyang naunang pahayag kaugnay sa kanyang pagiging bahagi ng UniTeam. Nilinaw niyang suportado niya at nagtatrabaho siya para sa UniTeam nang walang bayad.

Source: Facebook
Ito ay sa kadahilanang tumatanaw umano siya ng utang na loob matapos makatanggap ng tulong noong naospital ang kanyang asawa. Natulungan din umano sila dahil kapos sila sa pangangailangan noong panahon ng pandemya.
Aniya, kagaya ng bilin ng UniTeam, hayaan na lang umano na resulta ng eleksiyon ang manaig at ipagpatuloy ang pagbibigay ng respeto sa lahat.
Narito ang buong pahayag ni Eric:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Bilang paglilinaw,ako po ay nasa sirkulo ng bbm sara uniteam!ako po ay sumusuporta at nagtatrabaho rin sa kanila ng walang bayad at tumatanaw ng utang na loob sa ginawa nilang pagtulong sa amin ng maospital ang aking asawa at kapos sa pangangailangan nung nakaraang pandemiya.pagbawi sa kabutihang ibinigay sa akin ng uniteam.ibig sabhin ay wala pang eleksiyon ay bayad na nila ng kabutihan ang lahat ng ginagawa ko ngayon.again,katulad ng bilin ng uniteam hayaan na natin resulta ng eleksiyon ang manaig at ipagpatuloy ang pagbibigay ng respeto sa lahat.maraming salamat po
Si Eric Nicolas ay isa sa kilalang jester sa ABS-CBN. Kinakitaan siya ng talento sa komedya kaya naging bahagi siya ng ilang mga TV shows kagaya ng Kokey, Tyagong Akyat, Angelito ang Batang Ama, Wansapanataym at marami pang iba. Naging bahagi din siya ng Home Sweetie Home, isang sitcom sa ABS CBN sa direksiyon ni Bobot Mortiz.
Naging kalahok din siya sa Your Face Sounds Familiar Season 2 noong 2015. Siya ang tinanghal na panalo sa unang linggo ng naturang show.
Matatandaang naging usap-usapan ang kanyang komento kamakailan kung saan sinabi niyang trabaho para sa kanya ang kanyang pagiging bahagi ng UniTeam. Marami ang nagbahagi ng kanilang pagsuporta kay Eric kabilang na si Ogie Diaz.
Source: KAMI.com.gh