9-anyos na batang tumugtog ng 'Kay Leni Tayo' gamit ang piano sa isang mall, viral

9-anyos na batang tumugtog ng 'Kay Leni Tayo' gamit ang piano sa isang mall, viral

- Viral ang video ng pagtugtog ng piano ng isang siyam na taong gulang na bata sa isang mall

- Agaw-eksena lalo ang kanyang performance dahil ang campaign jingle ni Leni Robredo ang pinili niyang tugtugin

- Ayon sa uploader, narinig lamang umano nila ang pagtugtog ng bata na labis nilang hinangaan

- Anim na taong gulang pa lamang ang batang lalaki ay natuto na raw siyang tumugtog gamit ang piano

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Agaw-eksena sa social media ang video na kuha ng uploader na si Dave Argel Robles kung saan makikita ang isang batang lalaki na mahusay na tumutugtog ng piano.

9-anyos na batang tumugtog ng 'Kay Leni Tayo' gamit ang piano sa isang mall, viral
9-anyos na batang tumugtog ng 'Kay Leni Tayo' gamit ang piano sa isang mall, viral (Photo from Dave Argel Robles)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ang nakapukaw lalo ng atensyon ng marami ay ang kantang tinutugtog ng siyang na taong gulang na batang si Nate Esplana.

Sa ulat ng Inquirer, naikwento ni Dave na napadaan lamang sila ng kanyang orgmates at narinig ang pag-piano ni Nate ng campaign jingle ni Vice President Leni Robredo na 'Kay Leni Tayo!'

Read also

Video ng lola na naiyak habang nag-aabang kay VP Leni, viral

Nang makapanayam din ng Inquirer si Nate, sinabi nitong maganda ang aiwitn kaya naman napili niya itong tugtugin.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Anim na taong gulang pa lamang si Nate nang matuto siyang mag-piano.

Narito ang kabuuan ng video:

Samantala, kamakailan ay naging agaw eksena rin sa social media ang video ng bagong kasal na 'Kay Leni Tayo' ang ginamit na kanta sa pagpasok nila sa reception.

Sa video na naibahagi ni Gerry Cacanindin, makikitang nag-aabang ang mga bisita sa pagpasok ng bagong kasal.

Laking gulat nila nang patugtugin ang 'Kay Leni Tayo' sabay pasok ng bagong kasal.

Maging ang kumukuha ng video ay nagulat nang marinig ang awitin habang napasayaw naman ang bisita kasabay ng mga bagong kasal nang makapasok na ito sa venue.

Ang awiting 'Kay Leni Tayo' ay isa sa mga campaign jingle ni prseidential candidate VP Leni Robredo. Isa rin sa mga tumatak nang awitin sa mga 'Kakampink' ay ang isa pang campaign song niya na 'Rosas' na hango sa paerspektibo ni VP Leni sa kung ano ang mensahe niya sa taumbayan bilang isang public servant na naghahangad ng pinakamataas na puwesto upang mapaglingkuran pa lalo ang mga Pilipino.

Ang dalawang awiting nabanggit ay parehong naisulat ni Nica Del Rosario na siyang sumulat din ng hit song ni Sarah Geronimo na 'Tala.'

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel