Kuya Kim Atienza, kinaaliwan dahil sa kanyang binahaging "vision"

Kuya Kim Atienza, kinaaliwan dahil sa kanyang binahaging "vision"

- Umani ng mga komento ang Facebook post ni Kim Atienza kung saan ibinahagi niya ang aniya ay kanyang "vision"

- Kalakip ng kanyang vision ay ang Facebook post ng kontrobersiyal na personalidad na si Rudy Baldwin na nakilala online sa kaniyang mga social media posts na naglalahad ng mga vision

- Gayunpaman, sa vision na binahagi ni Kuya Kim, nilahad nito ang scientific na paliwanag sa likod ng mga kalamidad na dinaranas ng bansang Japan

- Kabilang dito ay ang lokasyon ng bansa na siyang dahilan ng mga kalamidad kagaya ng bagyo, lindol at pagsabog ng bulkan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kinaaliwan ng netizens ang vision na binahagi ni Kuya Kim Atienza kung saan binahagi niya ang scientific na paliwanag sa likod ng mga kalamidad na dinadanas ng mga taga bansang Japan. Kalakip ng kanyang vision ay ang Facebook post ng kontrobersiyal na personalidad na si Rudy Baldwin na nakilala online sa kaniyang mga social media posts na naglalahad ng mga vision.

Read also

Angeline Quinto, nag-post ng pictures niya kasama ang kanyang boyfriend

Kuya Kim Atienza, kinaaliwan dahil sa kanyang binahaging "vision"
Kuya Kim Atienza (@kuyakim_atienza)
Source: Instagram

Kabilang sa kanyang nabanggit na dahilan ay ang lokasyon ng Japan kung bakit ito dumaranas ng mga kalamidad kagaya ng bagyo, lindol at pagsabog ng bulkan.

Ito po si kuya kim na may blue check. Mga taga japan magkakaroon kayo ng maraming lindol dahil kayo ay nasa earthquake belt. May vision din ako ng volcanic eruption dahil kayo ay nasa pacific ring of fire. Magkakaroon din ng malakas na bagyo dahil kayo din ay malapit sa typhoon belt. Mag ingat din sa pagkain ng sashimi na hindi sariwa magkakaroon kayo ng lbm. Mag ingat mag ingat. Back to you guys.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Agad na nag-viral ang kanyang post at umani ng mga samu't-saring komento mula sa netizens na karamihan ay sumasang-ayon kay Kuya Kim

Isa si Kuya Kim sa mga Kapamilya personality na hayagang nagpapakita ng kanyang suporta sa TV network. Sa katunayan, kinaaliwan ang kanyang mga sagot sa mga bashers ng Kapamilya Network.

Read also

VP Leni Robredo sa umano'y Php1000 na bayad sa mga Kakampink: "Please help us report"

Pinaliwanagan din niya ang mga netizens na gumagamit ng salitang oligarch at oligarchy sa kanilang patutsada laban sa ABS-CBN noon. Sa kasalukuyan ay kabahagi na siya ng GMA-7.

Matatandaang nag-viral ang pagsayaw ni Kuya Kim sa “Mars Pa More” hosts na sina Camille Prats at Iya Villania. Sa TikTok video na ibinahagi ni Camille, makikita ang tatlo na sumasayaw sa saliw ng awiting “Me Too” ni Meghan Trainor.

Nagbahagi din si Kuya Kim ng vlog kung saan muli niyang nakasama sina Billy Crawford at Direk Bobet Vidanes. Nagkasama ang tatlo sa noontime show na It's Showtime.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel