Basel Manadil, binahagi ang naging paghahanda para sa panganganak ng girlfriend

Basel Manadil, binahagi ang naging paghahanda para sa panganganak ng girlfriend

- Binahagi ni Basel Manadil ang video ng paghahanda nila para sa pagsilang ng kanyang panganay na anak

- Kasama niya sa kanyang video ang kanyang Syrian family na kinabilangan ng ama, kapatid at dalawa niyang pamangkin

- Matatandaang kamakailan lang ay binahagi niya ang tungkol sa pagbubuntis ng kanyang girlfriend

- Aniya, kaya hindi nakikita sa kanyang mga video ang kanyang girlfriend ay dahil nirerespeto niya ang kagustuhan nito dahil hindi umano ito komportable na makita sa camera

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Excited si Basel Manadil at maging ang kanyang ama, kapatid at mga pamangkin na makasama at mahawakan na ang anak ng vlogger. Sa kanyang bagong video ay binahagi niya ang paghahanda nila para sa pagsilang ng anak niya.

Basel Manadil, nabatukan ng ama matapos niyang i-prank ito
Basel Manadil (@thehungrysyrianwanderer)
Source: Instagram

Magkakasama silang nag-ayos ng mga gamit na kanilang inilagay sa hospital bag para sa panganganak ng kanyang girlfirend.

Read also

Marlou Arizala, binahagi sa social media na isa na siyang ama

Packing and preparing our luggage for Hospital mga tao. As I’m so excited for this new chapter of my life, I made sure to not forget anything and get all necessary stuff for welcoming our baby boy. Please let me know if I forgot anything kase first time daddy ako mga tao

Matatandaang sa naunang video niya ay sinabi niyang kaya hindi nakikita sa kanyang mga video ang kanyang girlfriend ay dahil nirerespeto niya ang kagustuhan nito dahil hindi umano ito komportable na makita sa camera.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na vlogger na piniling manirahan sa ating bansa. Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO.

Read also

Luis Manzano at Angeline Quinto, na-prank ang mga kasamahan sa I Can See Your Voice

Kamakailan ay nagbahagi siya ng P10,000 sa mga vendor na tumulong sa kanya. Ibinahagi niya ito sa kanyang YouTube channel. Marami din ang naantig sa pagtulong ni Basel sa isang pedicab driver na isa ding PWD.

Ibinahagi ni Basel ang kanilang muling pagkikita ng kanyang amang isang Syrian National. 10 taon silang hindi nagkita nang personal simula nang mapadpad siya sa Pilipinas noong siya ay 18 taong gulang pa lamang. Dahil sa kaguluhang nangyari sa Syria noon ay nagkahiwa-hiwalay silang magpapamilya. Kaya naman, walang mapagsidlan ang tuwa ng mag-ama sa muli nilang pagkikita.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate