Viy Cortez, ipinagtanggol ang mga vloggers na nabigyan ng award

Viy Cortez, ipinagtanggol ang mga vloggers na nabigyan ng award

- Nagsalita na ang vlogger na si Viy Cortez kaugnay sa lumabas na isyu kaugnay sa mga award na binibigay sa mga vlogger at social media influencers

- Ayon kay Viy, may bayad man o wala, deserve daw ng tao na ma-acknowledge sa bagay na ginagawa nila

- Aniya, merong mga award na may bayad ngunit meron din namang wala at meron siyang natatanggap na awards na walang bayad

- Matatandaang sinabi ni Madam Kilay na nakatanggap siya ng offer kaugnay sa award ngunit may bayad ito kaya inayawan nya ang inaalok na award

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Para sa vlogger na si Viy Cortez, deserve naman ng mga influencers at vloggers na mabigyan ng karangalan sa kanilanga ginagawa may bayad man ito o wala. Kasunod ito ng pag-viral ng pahayag ni Madam Kilay na may bayad ang awards na inaalok umano sa mga vloggers at social media influencers.

Read also

VP Leni Robredo, pinasalamatan ang nasa 40,000 na Bulakenyo sa kanyang campaign rally

Viy Cortez, ipinagtanggol ang mga vloggers na nabigyan ng award
Photo from Viy Cortez (@viycortez)
Source: Instagram

Ani Viy, may bayad man o wala, deserve ng mga CEO na mabigyan ng pagkilala dahil hindi madali ang magnegosyo. Aniya pa, sana ay maging masaya na lamang ang lahat para sa mga achievement ng bawat isa.

Nilinaw din ni Viy na may mga nangangailangan talaga ng sponsorship kaya sila nagpapabayad at meron namang hindi nagpapabayad. kagaya sa kanya, may natanggap din naman siyang award na walang bayad.

Narito ang komento ng ilang netizens:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pero mas masarap padin sa feeling if tatanggap ng award without getting money out of pocket. parang kasi niloloko mo sarili mo kung ganun e.
Parang wala din credibility yung award eh, syempre ang kukunin nila mga sikat, may pambayad sa package.
May mga silent battles tayo na kailangan nating ipanalo. Deserving ka/tayo sa lahat ng meron ka/tayo. Aja! Keep on fighting.

Read also

Jillian Ward, kinabiliban dahil sa pinamalas na husay nito sa pagbirit

Sina Cong at Viy ay maituturing na kabilang sa mga pinakasikat at matagumpay na YouTube content creators sa bansa. Lumago din ang negosyo ni Viy na make-up na may pangalang VL.

Sa kasalukuyan, lalong naging malakas ang social media sa publiko. Matapos ngang mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN na maituturing na isa sa higanteng TV network sa bansa, unti-unting nasanay ang tao na manood na lamang sa internet kesa sa telebisyon.

Kaya naman, maraming mga influencers at social media personalities ang sumikat kagaya na lamang nina Alex Gonzaga, Zeinab Harake, Donnalyn Bartolome at marami pang iba.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate