Cristy Fermin at Lolit Solis, hindi na magsasama sa "Take it Per Minute Me Ganun"

Cristy Fermin at Lolit Solis, hindi na magsasama sa "Take it Per Minute Me Ganun"

- Isang malungkot na balita para kay Lolit Solis ang kanyang ibinahagi sa pamamagitan ng isang Instagram post

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

- Matitigil na umano ang kanilang programang "Take it per Minute, Me Ganun" kasama sina Cristy Fermin at Mister Fu

- Aniya, umayaw na umano si Cristy dahil hindi na siya masaya sa ilang mga nangyayari sa kanya

- Kahit matitigil na ang kanilang show, ayon kay Manay Lolit ay hindi matatapos ang kanilang pagkakaibigan na nabuo sa programa na tumagal din nang 3 taon

Ayon kay Lolit Solis, matatapos na ang show nila na "Take it per Minute, Me Ganun" kasama sina Cristy Fermin at Mister Fu. Iba na daw kasi ang journey na gustong tahakin ni Cristy dahil hindi na umano ito masaya sa mga nangyayari.

Cristy Fermin at Lolit Solis, hindi na magsasama sa "Take it Per Minute Me Ganun"
Lolit Solis (akosilolitsolis)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Umabot din sa 3 taon ang kanilang programa at hanggang sa 133 na episodes na lang umano ito.

malungkot man ay sinabi ni Manay Lolit na hindi matatapos ang nabuo nilang pagkakaibigan.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Manay Lolit:

Ang ganda sana next week dahil ika-134 episode na ng TIPMMG, Salve. Three years, tapos sa 133 episodes tayo nag ending dahil nga ibang journey na ang gusto ni Cristy dahil hindi na siya happy sa ilang pangyayari. Sayang nga na kung kelan kilala na namin mabuti ang bawat isa, at close ng matatawag ang bonding namin tatlo nila Mr. Fu, saka pa mahihinto ang samahan. Hindi mawawala iyon friendship, nawala lang iyon pagkikita kita tuwing Martes 12/1 sa Obra ni Nanay Gallery na parang ikadalawang bahay na natin. Sad na iyon nakagawian mo na 3 years bigla mapuputol, pero sure ako lahat tayo makaka feel ng melancholia. Sana nga ito na lang ang pandemic na daraanan ng journey natin, dahil maganda naman paghihiwalay. Ngayon nga na Sunday, minamadali ko na ang araw para maging Martes na, dahil sa excitement na magkikita-kita ang Team Take it. Hay naku, talagang sad ako, paano na ang mga followers natin nasa abroad, iyon mga naging friends narin natin dahil sa Take it, huh huh huh, buti na lang at bless.

Si Lolit Solis ay isang kilalang entertainment writer at talent manager. Naging bahagi siya ng ilang talkshow sa Kapuso Network.

Bukod sa kanyang pagsusulat sa isang print and digital newspaper, kadalasan ay naibabahagi niya ang kanyang opinyon sa Instagram.

Kaya naman ikinabahala niya nang minsan ay hindi niya mabasa ang mga komento ng netizens sa kanyang posts.

Kamakailan nga ay pinuri ni Lolit si Luis Manzano sa pagsagot nito sa mga bashers niya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel