Jessy Mendiola, umalma sa komentong wala siyang balak mag-buntis

Jessy Mendiola, umalma sa komentong wala siyang balak mag-buntis

- Sa ibinahaging video ni Jessy Mendiola kanyang pag-e-ehersisyo, may ilang netizens na nagkomento

- May iilan sa kanila na nagkomento tungkol sa pagbubuhat niya ng weights na maari umanong maging dahilan na hindi pa mabuntis si Jessy

- Sagot naman ng maybahay ni Luis Manzano, hindi porke't may abs siya ay ayaw niya nang magbuntis

- Nilinaw niya rin na hindi naman mabigat ang kanyang binubuhat na weights

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi pinalampas ni Jessy Mendiola ang ilang netizens na nagkomento kaugnay sa kanyang pag-eehersisyo. Ilan sa kanila ang nag-uugnay sa kanyang pag eehersisyo bilang dahilan kung bakit hindi pa rin ito nabubuntis.

Jessy Mendiola, umalma sa komentong wala siyang balak mag-buntis
Jessy Mendiola and Luis Manzano (@luckymanzano)
Source: Instagram

Isang netizen ang nagsabing tila walang balak magbuntis si Jessy dahil nagpapa-abs umano ito. Buwelta naman ni Jessy, porke ba may abs ay bawal nang magbuntis.

Isa pang Instagram user ang nagtanong kay Jessy kung paano siya magkaka-baby kung panay ang pag-exercise ng aktres.

Read also

Manager ni Francine Diaz mariing pinabulaanan ang umano'y panliligaw ni Seth

Hiningian naman ng paliwanag ni Jessy ang netizen na ito kung paano niya nasabing hindi mabubuntis kapag nag-eexercise.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kanyang caption, ibinahagi ni Jessy na kaya siya nag-exercise ay dahil naparami ang kanyang nakain. Ibinahagi niya ito sa kanyang vlog.

Started the year right during our stay in Baguio. Napakain ng madami kaya dapat mag-exercise watch the whole program sa aking newest vlog episode!

Sa kabila ng mga komentong ito, marami pa rin ang humanga sa aktres sa disiplina nito sa kanyang katawan:

You’re inspiring us to do same, well even a little abs
Thanks for entertaining unsolicited advice like a pro you're doing great mrs. Jessy
Ang ganda ni Jessy.. dyosang dyosa.. may make up o wala.. bagong gising o hindi

Si Jessy Mendiola ay nakilala sa kanyang mahusay na pagganap bilang si Maria Mercedes sa Philippine remake ng sikat na Mexican telenovela. Taong 2016 nang manguna siya sa listahan ng men's magazine na FHM Philippines.

Matapos isapubliko nina Luis at Jessy ang tungkol sa kanilang engagement, agad itong naging usap-usapan dahil sa mga espikulasyon at reaksiyon ng mga netizens. Kaya naman sa isang panayam ay nilinaw ng dalawa na Oktubre pa naganap ang proposal ni Luis.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel