Negi, nanghinayang na hindi naparanas sa ina ang maginhawang buhay

Negi, nanghinayang na hindi naparanas sa ina ang maginhawang buhay

- Sa video na binahagi ni Ethel Booba, kinapanayam niya ang kaibigang si Negi sa pamamagitan ng pagtatanong ng ilang mga katanungan

- Mamimili lamang ito kung sasagot siya o iinom kung sakaling pinili niyang huwag sumagot sa tanong

- Kabilang sa naitanong sa kanya ni Ethel ay kung papipiliin siya sa kanyang ina at ama, sino ang mas pipiliin niyang ibalik

- Emosyonal ito nang sabihin niyang pipiliin niya ang ina na makabalik upang iparanas sa ina ang buhay na hindi na niya naparanas dahil mas nauna itong namatay sa kanyang ama at hindi na nito inabutan ang panahong maayos na ang buhay ni Negi

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Emosyonal na sinabi ni Negi na pinanghihinayangan niyang hindi niya naparanas sa kanyang ina ang magandang buhay na naparanas niya sa kanyang ama. Nauna kasing namatay ang kanyang ina at hindi na nito inabutan ang panahong naiahon na ni Negi ang ang kanilang buhay.

Read also

70-anyos na basurerong nanakawan, nagawa pa ring mag-abot ng Php5 bilang tulong

Negi, nanghinayang na hindi naparanas sa ina ang maginhawang buhay
Negi (@negi_ggv)
Source: Instagram

Sa video na binahagi ni Ethel Booba, kinapanayam niya ang kaibigang si Negi sa pamamagitan ng pagtatanong ng ilang mga katanungan. Mamimili lamang ito kung sasagot siya o iinom kung sakaling pinili niyang huwag sumagot sa tanong.

Kabilang sa naitanong sa kanya ni Ethel ay kung papipiliin siya sa kanyang ina at ama, sino ang mas pipiliin niyang ibalik.

Emosyonal ito nang sabihin niyang pipiliin niya ang ina na makabalik upang iparanas sa ina ang buhay na hindi na niya naparanas dahil mas nauna itong namatay sa kanyang ama at hindi na nito inabutan ang panahong maayos na ang buhay ni Negi. Nais umano niya sanang maiparanas sa ina ang ilang bagay kagaya ng mag-grocery silang magkasama.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Negi ay kilala bilang isang komedyante na nakasama sa ilang game shows kagaya ng Minute to Win It at I can See your Voice. Naging bahagi din siya ng pelikulang Super Parental Guardians, Finally Found Someone ant Wander Bra 2018.

Read also

Viral 'Kangkong chips' owner, idinetalye ang lungkot at tagumpay ng kanyang negosyo

Samantala kasama si Negi sa mga singvestigators sa muling pagbabalik ng I Can See Your Voice. Ipinakita ito ni Luis Manzano sa kanyang vlog kamakailan kung saan nakasama niya sina Clarisse de Guzman, Nikko Natividad Lassy at MC.

Kasama din siya sa vlog ni Ethel Booba kung saan kailangan nilang pigilan ang matawa habang pinapakita ang kanilang mga pictures.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel