Zanjoe Marudo, maituturing ang sariling maswerte na nakatrabaho si Jodi Sta. Maria

Zanjoe Marudo, maituturing ang sariling maswerte na nakatrabaho si Jodi Sta. Maria

- Para kay Zanjoe Marudo, maswerte niyang si Jodi Sta. Maria ang kanyang nakatrabaho sa Philippine remake ng ‘The Broken Marriage Vow’

- Gumanap sila bilang mag-asawa sa pinakaabangang serye kung saan gaganap namang anak nila si Zaijan Jaranilla

- Kahit first time umano nilang magkasama at gumanap bilang mag-asawa, hindi siya nahirapan

- Ito ay dahil tinulungan umano siya ni Jodi nang sobra-sobra sa paggawa ng mga eksenang kailangan nilang gawin

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Para kay Zanjoe Marudo, maswerte siyang si Jodi Sta. Maria ang gumanap bilang kanyang asawa sa Philippine remake ng ‘The Broken Marriage Vow’. Tinulungan umano siya nito sa kanilang mga eksena.

Zanjoe Marudo, maituturing ang sariling maswerte na nakatrabaho si Jodi Sta. Maria
Jodi Sta. Maria (@jodistamaria)
Source: Instagram

Gumanap sila bilang mag-asawa sa pinakaabangang serye kung saan gaganap namang anak nila si Zaijan Jaranilla. Kahit first time umano nilang magkasama at gumanap bilang mag-asawa, hindi siya nahirapan.

“Napakasuwerte ko na si Jodi yung kasama ko dito sa The Broken Marriage Vow at siya yung gumanap na asawa ko dito dahil nagtulungan kami. Tinulungan niya ako ng sobra sobra sa paggawa namin ng mga scenes. Naging kumportable ako sa kanya dahil ipinaramdam niya sa akin na maging kumportable ako sa kahit anong eksena na gagawin namin. Kasi bilang mag-asawa, first time naman namin na magsasama sa isang series talaga na kami yung mag-partner. Hindi ako ganung nahirapan dahil yung collaboration namin sa pamilya, ako, si Zaijian (Jaranilla), at si Jodi, naging madali na sa amin yung pagbuo dahil nagtutulungan kami.”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Jodi Sta. Maria ay isang Filipina actress. Bukod sa pagiging aktres, isa din siyang product endorser. May anak siya sa dating karelasyon nasi Pampi Lacson na kilala sa pangalang Thirdy.

Sa kanyang pagdiriwang ng kanyang kaarawan kamakailan, inihayag ni Jodi kung gaano siya nagpapasalamat sa lahat. Maging ang kanyang boyfriend na si Raymart Santiago ay nagbahagi ng kanyang mensahe para sa aktres kung saan kinakiligan ang kanyang paggamit ng heart emoji. Sa kanyang sagot at pasasalamat sa mensahe ni Raymart, may pa-puso din si Jodi na kinakiligan din ng mga netizens.

Matagumpay din niyang nairaos ang thesis defense niya na kailangan para sa kanyang kursong Psychology. Naibahagi niyang pinagsumikapan niyang makabalik at matapos ang kanyang pag-aaral para magkaroon siya ng college degree. Sa matagumpay siyang thesis defense, marami ang natuwa para sa kanya hanggang sa kamakailan ay nagtapos na rin siya sa kanyang kurso. Matatandaang naibahagi niyang dahil sa kanyang trabaho sa showbiz ay hindi niya kaagad natapos ang kanyang pag-aaral.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel