Pangalan ni Sugar Mercado, nag-pop up sa cellphone ni Willie Revillame sa live streaming

Pangalan ni Sugar Mercado, nag-pop up sa cellphone ni Willie Revillame sa live streaming

- Marami ang naintriga sa paglabas ng pangalan ni Sugar Mercado sa cellphone ni Willie Revillame

- Ito ay habang pinapakita ng TV host ang kanyang cellphone sa live streaming ng Wowowin

- Dahil malalaki ang font ay basang-basa ang lumabas na pangalan at natawa na lamang si Willie nang mapansin ito

- Base sa nakalagay na pangalan, notification ito mula sa YouTube channel ni Sugar

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa live streaming ng Wowowin, habang pinapakita ni Willie Revillame ang kanyang cellphone, biglang lumabas ang notification kung saan nakalagay ang pangalan ni Sugar Mercado. May mga naintriga kung bakit lumabas iyon sa cellphone ni Kuya Wil.

Pangalan ni Sugar Mercado, nag-pop up sa cellphone ni Willie Revillame sa live streaming
Meryll Soriano at Willie Revillame (@planetumeboshi)
Source: Instagram

Dahil malalaki ang font ay basang-basa ang lumabas na pangalan at natawa na lamang si Willie nang mapansin ito. Base sa nakalagay na pangalan, notification ito mula sa YouTube channel ni Sugar.

Read also

Madam Inutz, wagi sa Gawad Amerika bilang 2021 Outstanding Social Media Influencer

Para naman sa ilang netizens, bilang kilalang matulungin sa kanyang mga nakakasama at nakakatrabaho, hindi naman malayong pinapanood ni Kuya Wil ang vlog ni Sugar. Matagal na ring nakakasama si Sugar sa programa ni Willie.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang nauna nang itinanggi ng dancer-host na si Sugar ang kumakalat na balita na may relasyon sila ni Willie Revillame.

Hindi umano aware si Sugar na may isyu na palang lumalabas tungkol sa kanila ni Kuya Wil. Aniya hindi niya ma-imagine na madikit ang pangalan sa veteran host lalo na at parang tatay ang turing nila rito.

Iginiit din niya na ang relasyon niya kay Willie ay bilang boss at kaibigan niya. Natawa na lamang siya sa isyung ito at sana’y itigil na umano ang paggawa ng tsismis na wala namang katotohanan.

Read also

Mona Alawi, ipinagluto sina Ivana, Hashim at Mama Alawi na may COVID-19

Kilala si Willie Revillame bilang isa sa pinakamayayamang artista. Kilala bilang game show host. Ilan sa mga sumikat niyang shows ay Willingly Yours, Masayang Tanghali Bayan, Wowowee, Willing Willie, Wil Time Bigtime , at Wowowillie. Pinasok din niya ang pagrerecord ng mga awitin.

Dahil sa tema ng kanyang mga TV show, naging takbuhan siya ng maraming nangangailangan ng tulong lalo na tungkol sa pinansiyal. Kamakailan, ibinenta niya ang mamahalin niyang sasakyan upang makalikom ng perang ibabahagi niya sa mga taong apektado ng pananalanta ng bagyo.

Nagbigay din siya ng tulong sa Mayor na Marikina at personal niya itong iniabot. Nagpapasalamat umano siya na sa kabila ng mga dumaang kalamidad ay ligtas siya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel