Luis Manzano, pinakilala ang bagong singvestigators sa "I Can See Your Voice"

Luis Manzano, pinakilala ang bagong singvestigators sa "I Can See Your Voice"

- Malapit nang muling mapanood ang programang "I Can See Your Voice" ni Luis Manzano

- Ibinahagi niya sa kanyang YouTube channel ang ilang mga kaganapan sa kanilang taping ng ilang episodes ng show

- Sa kanyang video ay pinakita niya rin ang bagong mga singvestigators na kinabibilangan nina MC, Lassy, Negi, Clarrise de Guzman at Nikko Natividad

- Matatandaang ang mga naunang singvestigators ay sina Kean Cipriano, Alex Gonzaga, Angeline Quinto, Wacky Kiray, Bayani Agbayani at Andrew E

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Masayang ibinahagi ni Luis Manzano na malapit nang mapanuod muli ang programang "I Can See Your Voice" kung saan siya ang tumatayong host. Ibinahagi niya sa kanyang YouTube channel ang ilang mga kaganapan sa kanilang taping ng ilang episodes ng show.

Luis Manzano, pinakilala ang bagong singvestigators sa "I Can See Your Voice"
Jessy Mendiola and Luis Manzano (@luckymanzano)
Source: Instagram

Bago na rin ang karamihan sa mga singvestigators sa muling pagbabalik ng isa sa mga programa ng ABS-CBN na mataas ang rating. Kaya naman, marami sa mga viewers ang na-excite sa muling pagbabalik nito.

Read also

Regine Velasquez, nagulat sa laki ng donasyon nina Vice at Ion sa mga biktima ni 'Odette'

Matatandaang ang mga naunang singvestigators ay sina Kean Cipriano, Alex Gonzaga, Angeline Quinto, Wacky Kiray, Bayani Agbayani at Andrew E.

Sa kanyang video ay pinakita niya rin ang bagong mga singvestigators na kinabibilangan nina MC, Lassy, Negi, Clarrise de Guzman at Nikko Natividad.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang komento ng ilang netizens:

Excited na ko mapanuod to, Nakakamiss lage namin inaabangan ni daddy! Sayang wala yung dating mga singbestigator pero sure din naman na laughtrip to.
ICSYV one of my fave show, Thank you po ABS CBN at binalik na ninyo ang ICSYV at syempre si Pambansang Host pa si Luis, Thank you! Sya ang aking happy pills, stress reliever.
Goodluck ! sa mga bagong singvestigator. It’s nice to see new faces boring kasi pag same Lang.

Read also

Vice Ganda at kanyang family, masayang sinalubong ang 2022 sa Amanpulo

Si Luis Manzano ay isa sa pinakakilalang TV host at Game show host sa bansa. Ilan sa mga game niya ay ang Minute to Win It, Your Voice Sounds Familiar at Family Feud. Bukod sa pag ho-host, nakilala din siya sa pag-arte sa pelikula at telebisyon. Anak siya ng batikang aktres na si Vilma Santos at ng dati nitong partner na si Edu Manzano.

Matatandaang ilang beses nang napapabalita na engaged na ang dalawa dahil sa singsing na suot ni Jessy sa ilang mga pagkakataon.

Nagkaroon din ng litratong lumabas kung saan makikitang nagsusukat siya ng wedding dress. Gayunpaman, nilinaw ni Jessy na kuha iyon sa isang pelikulang kanyang ginawa.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel