Regine Velasquez, nagulat sa laki ng donasyon nina Vice at Ion sa mga biktima ni 'Odette'

Regine Velasquez, nagulat sa laki ng donasyon nina Vice at Ion sa mga biktima ni 'Odette'

- Napa-wow si Regine Velasquez nang malamang kalahating milyong piso ang donasyon nina Vice Ganda at boyfriend na si Ion Perez para sa mga biktima ng Bagyong Odette

- Unang humirit si Regine ng Php100,000 kay Vice na nais mag-request ng kanta sa benefit concert

- Kaya naman laking gulat ni Regine na hindi lang Php100,000 ang ibabahagi ni Vice kundi Php500,000

- Una nang nagpaabot ng tulong si Vice Ganda na buong halaga ng talent fee niya ang ibinigay sa mga nasalanta ng mapaminsalang bagyong Odette

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Talagang napa-wow at napapalakpak pa si Regine Velsquez nang malamang kalahating milyong piso ang donasyon nina Vice Ganda at Ion Perez para sa mga nasalanta ng Bagyong Odette.

Nalaman ng KAMI na noong Linggo, Enero 9, si Regine ang tampok na artist sa benefit concert ng ABS-CBN upang makalikom ng tulong para sa mga kababayan nating hindi pa rin umano nakakabangon sa pananalasa ng Bagyong Odette bago sumapit ang Kapaskuhan noong nakaraang taon.

Read also

Vice Ganda at kanyang family, masayang sinalubong ang 2022 sa Amanpulo

Regine Velasquez, nagulat sa laki ng donasyon nina Vice at Ion para sa mga biktima ni 'Odette'
VIce Ganda kasama ang boyfriend na si Ion Perez (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

At dahil aminadong fan si Vice ni Regine, nakaabang ito sa mga paboritong kakantahin ng kanyang idolo.

Nagbiro pa si Regine na kailangan munang mag-donate ni Vice ng Php100,000 para sa mga request nitong awitin.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi nagtagal, sinabing magpapadala umano sina Vice at boyfriend nitong si Ion ng Php500,000 para mai-donate sa mga Typhoon Odette victims.

"Woo, oh my gosh! oh my gosh! Bakla may gusto ka pa bang kanta?" ang mga nasambit ni Regine nang malaman ang magandang balita mula kay Vice at Ion.

Ang kanilang donasyon ay bahagi lamang ng nasa isang milyong pisong nalikom na nila para sa mga kababayan nating nangangailangan pa rin ng tulong dahil sa naiwang pinsala ng Bagyo.

Samantala, unang nang nagpaabot ng tulong si Vice sa mga nasalanta ni Odette kung saan buong halaga ng kanyang talent fee ang ipinadala roon.

Read also

Ikalawang quarantine violator na tinaguriang si 'Massage Girl', kakasuhan na rin

Si Vice Ganda ay isang sikat na artista comedian, television host, at recording artist sa Pilipinas. Kabilang sa kanyang mga popular na pelikula ay ang “Praybeyt Benjamin."

Isa rin si Vice Ganda sa mga nagdesisyong manatili sa Kapamilya Network sa kabila ng matinding dagok na patuloy nilang nararanasan mahigit isang taon na ang nakalipas.

Bukod sa pagiging batikang komedyante at TV host, pumalo na rin sa 6.19 million ang subscribers niya sa kanyang YouTube channel.

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel