Buboy Villar, sinusulit ang nalalabing panahon bago pumuntang Amerika ang panganay
- Nalulungkot man ay alam ni Buboy Villar na para sa future ng kanilang anak kaya kailangan nitong sumunod sa Amerika
- Nakatakda umanong sumunod sa Amerika ang panganay na anak nila ni Angillyn Gorens na si Vlanz
- Kaya naman, sinusulit umano ni Buboy ang mga oras na nalalabi bago umalis ang anak
- Sa kanyang bagong vlog ay nanghiram siya ng mga costume para mapagbigyan ang hilig ng mga anak
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Aminado si Buboy Villar na malulungkot siya na malalayo sa kanya ang panganay na anak. Nakatakda kasi itong sumunod sa kanyang dating partner na si Angillyn Gorens. Gayunpaman aniya, ito ay para naman sa future ng kanilang anak.
Kaya naman, sinusulit umano ni Buboy ang mga oras na nalalabi bago umalis ang anak. Sa kanyang bagong vlog ay nanghiram siya ng mga costume para mapagbigyan ang hilig ng mga anak.
Marami ang lalong humanga sa pagiging ulirang ama ni Buboy:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Buboy ur such a good father to ur kids ung tipo lahat gagawin para mapasaya ung mga anak nya..... God Bless u always. Tulad mo lodi isa din akong ama at namimis ko na din mga anak ko naiiyak ako pag naiisip ko sila.. enjoy lodi. Ingat lagi.
Sana all Ng daddy ganyan ka pag Mahal at sweet at responsible.. happy birthday Sa kids mo good health always to your kids and to you God bless..
This is a good example of an ideal husband and wife separation - no bad vibes, friends pa rin. Sabi ng iba di raw pwede ito dahil kung friends pa sila ay baka love pa nila ang isat isa.
Si Buboy Villar ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang mag audition siya sa Little Big Star. Naging bahagi siya ng teleseryeng Dyesebel noong 2008.
Ilan sa mga pelikulang naging bahagi siya ay Supahpapalicious, Shake, Rattle & Roll X, Ang Panday, Zaido: Pulis Pangkalawakan, Darna, at Panday Kids.
Taong 2016 nang maging magkarelasyon si Buboy at ang ina ng kanyang dalawang anak na si Angillyn Gorens. Nagsama sila sa isang bubong taong 2017.
Taong 2017 naman pinanganak ni Angillyn ang kanilang panganay na anak. Engaged na sila noon at nagbabalak na magpakasal sa US ngunit nito lamang 2020 nang aminin nilang nagkahiwalay sila.
Nitong nakaraang Mother's Day ay hindi kinaligtaang batiin ni Buboy si Angillyn.
Source: KAMI.com.gh