Lolit Solis, pinuri ang desisyon ni Rep. Claudine Bautista kaugnay sa sinampang kaso

Lolit Solis, pinuri ang desisyon ni Rep. Claudine Bautista kaugnay sa sinampang kaso

- Ibinahagi ni Lolit Solis ang kanyang pananaw kaugnay sa sinampang kaso ni Rep. Claudine Bautista

- Ani Manay Lolit, maaring maging basehan ang magiging resulta ng kaso na isinampa ni Bautista kay Enchong Dee

- Para kay Manay Lolit, maganda ang ginawang ito ng congresswoman para aniya'y mabigyan ng leksiyon ang mga taong mahilig mang bash

- Nasabi niya ring kaabang-abang ang magiging resulta ng sinampang kasong ito laban kay Enchong

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon kay Lolit Solis, maaring maging basehan para sa mga netizens ang kasong cyber libel case na isinampa ni Rep. Claudine Bautista. Aniya ay kaabang-abang ang magiging resulta kung sino ang mananalo sa dalawa.

Lolit Solis, pinuri ang desisyon ni Rep. Claudine Bautista kaugnay sa sinampang kaso
Lolit Solis (akosilolitsolis)
Source: Instagram

Bilang isa sa nakakaranas ng pambabatikos, ilang beses na ring naghayag ng saloobin ang showbiz reporter kaugnay sa kanyang mga bashers. Kaya naman, aniya, sa tingin niya ay may malaking pagbabago sa social media dahil sa pagsampa ng kaso ng kongresista.

Read also

KD Estrada, nag-walk out nang maging nominado muli sa ikatlong pagkakataon

Mukhang iyon cyber libel case ni Enchong Dee ang magiging benchmark ngayon ng mga mahilig sa social media Salve. Lahat naghihintay sa magiging resulta nito, kung mag prosper at sino ang mananalo. Whatever mangyari dito makikita din ang malaking pagbabago sa social media, titignan nito kung ganuon parin katapang ang mga bashers pag nakita nila na may seryoso na haharapin sila at lalabanan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kaya naman, para sa kanya ay maganda ang ginawang hakbang na ito ni COngresswoman Claudine Bautista.

It is just really a matter of kung hanggang saan pasensiya mo samga tao na makitid ang comprehension, ang tapang gumamit ng pangit na salita at hindi muna intindihin ang kanilang binabasa. Test ng patience, pero pag sumabog , lagot. Iyon damage na 1B hindi biro, kahit pa nga mas mababa pa dito , iyon masayang ang pera mo dahil lang sa biglaan mong pagbibigay opinyon, o pag akusa, o kahit pa nga pakikialam lang sa hindi mo naman issue, hayan na, may katapusan na. Ang galing ng ginawang ito ni congresswoman dahil hindi lang sarili niya ang binigyan niya ng proteksiyon, lahat ng gusto sumali at makisali sa mga issues. Watch natin, hintayin natin resulta. Worth watching for. Worth waiting for. Bongga !! #classiclolita #74naako

Read also

Sara Duterte, pinasalamatan ang supporters ilang oras bago manumpa sa Lakas-CMD

Si Lolit Solis ay isang kilalang entertainment writer at talent manager. Naging bahagi siya ng ilang talkshow sa Kapuso Network.

Bukod sa kanyang pagsusulat sa isang print and digital newspaper, kadalasan ay naibabahagi niya ang kanyang opinyon sa Instagram.

Kaya naman ikinabahala niya nang minsan ay hindi niya mabasa ang mga komento ng netizens sa kanyang posts.

Kamakailan nga ay pinuri ni Lolit si Luis Manzano sa pagsagot nito sa mga bashers niya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel