5 sa 6 designs sa clothing line ni Marian Rivera, sold out kahit Php10K ang isa

5 sa 6 designs sa clothing line ni Marian Rivera, sold out kahit Php10K ang isa

- May sarili na ring clothing line si Marian Rivera sa ilalim pa rin ng kanyang brand na 'Flora Vida Lifestyle'

- May anim na designs ang mga damit na nai-launch kamakailan at siniguro nila na ang linen na ginamit ay Oeko-Tex certified

- Kahit nagkakahalaga pa ng Php10,000 ang bawat damit, mapapansin sa website na sold out agad ang mga ito

- Bukod sa clothing line, mayroon na ring room at kitchen essentials si Mariam maliban sa nauna na niyang produkto na mga flowers

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Masayang inanunsyo ni Marian Rivera ang pagbubukas ng kanyang clothing line sa ilalim pa rin ng kanyang 'Flora Vida Lifestyle Brand'

Nalaman ng KAMI mula sa kanyang Instagram post, nito lamang Nobyembre 5 inanunsyo ni Marian ang paglalabas ng ilang disenyo ng kanyang clothing line na makikita rin sa kanyang website na 'Flora Vida.'

Read also

Heart Evangelista, 8 luggage ang bitbit sa lock-in taping

Marian Rivera, may sarili nang clothing line: Sold out kahit Php10,000 ang halaga ng bawat damit
Marian Rivera (Screengrab from www.floravidabymarian.com)
Source: Instagram
"After months of planning and preparations, I’m happy to announce that our latest @floravidabymarian collection will be up on our website tomorrow! Thank you for all your continued support... Happy shopping!"

Makikita sa kanyang webpage ang anim na disenyo ng mga eleganteng damit na nagkakahalaga ng Php10,000 bawat isa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ito raw umano ay OEKO-TEX certified, na nagangahulugang walang allergenic dyes, pesticides, heavy metals at iba pang mga harmful substances ang ginamit sa paggawa ng mga damit.

Kaya naman kapansin-pansin na lima sa anim na designs ay agad na sold out ilang araw matapos itong mai-launch.

Bukod sa mga damit, mayroon na ring room at kitchen essentials si Marian na may napakagaganda at eleganteng disenyo.

Matatandaang una nang naging negosyo ni Marian ang mga bulaklak na mula pa rin sa Flora Vida brand.

Read also

Babaeng limang beses naging third party, matapang na binahagi ang natutunan

Si Marian Rivera ay isang Filipina actress at commercial model. Mas nakilala siya bilang Kapuso actress sa mga pagganap niya sa mga teleserye na Marimar, Dyesebel, Amaya, and Temptation of Wife. Siya ang misis ng Kapuso actor na si Dingdong Dantes at nabiyayaan sila ng dalawang anak na sina Zia at Ziggy.

Kamakailan, pinasalamatan ni Boobay si Marian dahil sa tulong nito sa kanya nang dumanas siya ng stroke noong 2016 na halos sukuan na ng komedyante. Ngunit dahil umano sa pagmamalasakit ni Marian, nailagak siya sa maayos na ospital kung saan naging tuloy-tuloy ang kanyang paggaling.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel