Ex ni Xian Gaza, nakiusap na huwag na siyang tanungin; nabahala sa kaligtasan nya

Ex ni Xian Gaza, nakiusap na huwag na siyang tanungin; nabahala sa kaligtasan nya

- Nakiusap ang ex-girlfriend ni Xian Gaza na huwag siyang tanungin tungkol sa kanilang hiwalayan

- Ipinahayag niya ang kanyang pasasalamat sa mga sumuporta sa kanya, lalo na sa mga bumili ng kanyang mga produkto

- Binanggit niya na hindi siya sigurado sa kanyang kaligtasan kung magsasalita siya nang higit pa

-Marami ang nagpaabot ng suporta sa kanya matapos lumabas ang balitang hiwalay na sila ni Xian

Naglabas ng mensahe ang ex-girlfriend ni Xian Gaza kung saan nakiusap siya sa mga tao na huwag siyang tanungin kasunod ng paghihiwalay nila ni Xian. Sa kanyang post, pinasalamatan niya ang mga sumuporta sa kanya, lalo na ang mga bumili ng sapatos at sombrero na kanyang ibinebenta. Nagpahayag din siya ng labis na pasasalamat sa lahat ng tumulong sa kanya at sinabing hindi niya makakalimutan ang mga ito.

Ex ni Xian Gaza, nakiusap na huwag na siyang tanungin; nabahala sa kaligtasan nya
Ex ni Xian Gaza, nakiusap na huwag na siyang tanungin; nabahala sa kaligtasan nya
Source: Facebook

Good morning, dear friends. Thank you for supporting me by buying shoes and hats. I appreciate it. I am very grateful for everyone’s help.I will remember this moment well. No matter what changes in the future, my beginning is here.

Read also

Kylie Padilla, nag-react sa hirit ni Xian Gaza tungkol sa 'nagingialam sa buhay'

Subalit, sa huling bahagi ng kanyang mensahe, idiniin niya na huwag siyang tanungin dahil hindi siya sigurado sa kanyang kaligtasan kung magsasalita siya nang higit pa. Bagamat hindi direktang sinabi, tila may pinapahiwatig na mas malalim na dahilan ang kanyang pahayag. Nabanggit pa niya na sa kabila ng lahat, siya'y tumatawa pa rin.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Lastly, please don’t ask me anything because I’m not sure about my security if I say too much, but I’m laughing right now.

Kasunod ng balitang hiwalay na sila ni Xian, bumuhos ang mensahe ng suporta mula sa mga netizen para sa kanya. Marami ang nagpakita ng pag-unawa at pag-alala sa kanyang kalagayan.

Si Xian Gaza o Christian Albert Gaza ay unang nakilala sa social media matapos ang kanyang kontrobersiyal na billboard proposal sa aktres na si Erich Gonzales para mag-coffee. Nakilala din siya sa bansag na "pambansang scammer" matapos siyang akusahan ng pang-iiscam.

Read also

Xian Gaza, binahagi ang kagandahan ng pagiging single

Biniro ni Xian Gaza ang malapit na kaibigang si Zeinab Harake na puro lang daw basketball ang inaatupag nito. Sa comments section ng kanyang post, tinanong siya ni Zeinab kung kailangan na ba daw niyang sumunod kay Xian sa lugar kung nasaan siya.

Nagbahagi si Xian ng picture niya kasama si Angelica Yap na kilala bilang si Pastillas Girl. Sinagot niya ang mga komento sa kanya na balimbing daw siya dahil sa pakikipagkaibigan kay Angelica.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: